^

PSN Opinyon

Happy Easter!

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
NGAYON ay ipinagdiriwang ang muling pagkabuhay ni Jesus. Matapos ang kanyang paghihirap at pagkamatay sa krus, gaya ng Kanyang sinabi makalipas ang tatlong araw ay mabubuhay siyang muli.

Madilim pa ay nagtungo na si Maria Magdalena sa lugar na pinaglibingan ni Jesus. Laking gulat ni Magdalena nang makita na nabuksan ang pinaglagakan ng bangkay ni Jesus na hindi rin niya nakita sa himlayan nito. Lalo siyang nagulumihanan nang may isang lalaki na lumapit sa kanya at hindi siya makapaniwala sa nakitang muling nabuhay na Panginoon. Buong lugod na ibinalita ni Magdalena kina Pedro at iba pang apostoles na muling nabuhay si Jesus. At sila’y napuno ng banal na espiritu. Maging ang apostoles na si Tomas ay nagsabi na hanggat hindi niya nakikita at nahihipo ang butas sa pinakong kamay ni Jesus ay hindi siya maniniwala. Nang magharap sila napatunayan niyang buhay nga si Jesus na nagsabi na maniwala si Tomas dahil nakita at napatunayan niya.

Gaya ni Tomas na ‘‘to see is to believe,’’ hindi tayo basta naniniwala at kadalasan ay kinukuwestiyon pa natin at kinokontra ang mga bagay na sa ating palagay ay mahirap paniwalaan. Sa kaso ni Jesus, totoo siya at walang-bahid na kasinungalingan. Sinabi ni Jesus na mapalad ang mga naniniwala kahit hindi nila nakikita ang Diyos na laganap ang pagmamahal sa kanyang mga nilikha na tinubos Niya ang kasalanan.

Happy Easter Sunday sa inyong lahat. God bless.

BUONG

DIYOS

GAYA

HAPPY EASTER SUNDAY

JESUS

KANYANG

MAGDALENA

MARIA MAGDALENA

TOMAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with