Subalit sa Ebanghelyo ni Juan, at makapangyarihan sa kuwento ng pagbuhay muli kay Lazaro, makatatagpo natin ang panata at pangako ni Jesus, na kasa-kasama ng mga Kristiyano sa kanilang kamatayan mula pa ng bukang-liwayway ng Simbahang Kristiyano.
Si Pablo, sa kanyang unang sulat sa mga taga-Corinto, ay may pamosong texto: O kamatayan, nasaan ang iyong tagumpay; kamatayan, nasaan ang iyong kamandag? (1 Cor. 15, 55). Dito ipinapakahulugan niya (sinasabi sa atin ng mga tagasalin niya) na hindi sa walang natural na kamatayan para sa mga taong dahilan sa mapanubos na gawain ni Jesus ay naligtas mula sa kapangyarihan ng kasalanan. Hindi: Subalit na ang Kristiyano, sa pananalig at pag-asa, ay di-maiingkwentro ang kamatayan bilang isang misteryo ng kadiliman, ng banta, takot pati na kilabot. Ang Kristiyano, sa pananalig at pag-asa, ay makatatagpo ang kamatayan bilang kanyang pangwakas, malaya, pati na nakagagalak na engkwentro kay Jesus na namatay at nabuhay na mag-uli para sa kanya, upang makasama niya lalot higit sa huling oras ng kanyang panlupang pamumuhay. Ang santo ng Lisieux, ang Carmelitang madre na si Therese Martin, ang nagsabi nang tungkol sa kanyang kamatayan. Hindi ako mamamatay; akoy papasok sa buhay. Para sa pananalig ng Kristiyano, yaon ang kamatayan isang pag-uwi sa tahanan ng isang mapagpatawad at mapagmahal na Ama. Kahalintulad ito ng pagkamatay ni Jesus sa Ebanghelyo ni Lukas, Ama, sa iyong mga kamay inihahabilin ko ang aking espiritu. Isang manunulat ng mga espiritwal na bagay ang nagsabing ang mga huling kataga ni Jesus sa krus sa ebanghelyo ni Lukas ay akmang isinalin ng isang bata sa kanyang panalangin bago matulog:
Ngayon akoy pahiga na upang matulog
Panalangin ko, Panginoon, kaluluwa koy kupkupin
At kung akoy mamatay bago magising
Panalangin ko, Panginoon, kaluluwa koy kunin. Amen.
(Itutuloy)