Berroya di-dapat balat sibuyas dahil bistado na siya
March 20, 2002 | 12:00am
Nagngingitngit sa galit si Chief Supt. Reynaldo Berroya, director ng Police Regional Office 3 (PRO 3) kay Dir. Anthony Liongson ng National Bureau of Investigation (NBI) dahil inakusahan siyang naka-payroll sa mga gambling lords sa Central Luzon. Nag-ugat ang galit ni Berroya kay Liongson sa hindi pag pakikipag-coordinate ng huli sa command niya sa ginawa nitong sunud-sunod na raid sa mga pasugalan sa Central Luzon bunga sa expose ng isang Ruben Marin, na dating kahero ng gambling lord na si Melchor Caliwag alias Ngongo.
Sinabi kasi ni Liongson sa mga kasamahan natin sa hanapbuhay ng tanungin siya kung bakit hindi siya nakipag-coordinate sa pulisya na bat ko pa gagawin eh alam ko naman na naka-patong sila. Dapat bago magalit si Berroya ay magsalamin muna siya dahil kung sinu-sino na ang nadadamay sa jueteng issue sa kanyang sakop na gusto pa niyang i-deny. Alam naman ng lahat na kaya ginusto niyang ma-assign diyan sa PRO 3 eh dahil naman sa jueteng money, di ba mga suki?
Kung tatanungin ang mga opisyal ng pulis sa Camp Crame, ang PRO 3, PRO 4 at PRO 5 ang masagana kung jueteng money ang pag-uusapan. Kaya ba nagagalit si Berroya kay Liongson eh dahil tumpak ang pagbubulgar na ginawa niya at ni Marin? Sinabi kasi ni Marin na malawakang pandaraya na ang ginagawa ni Ngongo sa kanyang parukyano sa Central Luzon lalo na sa Pampanga ang hometown ni Presidente Gloria Arroyo. Pero hindi magalaw-galaw ng mga tauhan ni Berroya si Ngongo dahil tumatanggap ang mga ito ng weekly pa-yola sa huli.
Kung ang ginawang raid ni Liongson ang gagawing basehan, mukhang tama ang pagbubulgar ni Marin. Kasi 11 raid ang isinagawa ni Liongson at umaabot sa 50 trabahador ni Ngongo ang naaresto samantalang ang mga bataan ni Berroya ay malaking BOKYA. At imbes na atupagin ang jueteng problem sa kanyang sakop, ang ginawa pa ni Berroya ay nagtuturo kung sino ang pinagsuspetsahan niyang nasa likod ng pagbubulgar ng illegal gambling sa kanyang sakop. Hindi magandang ehemplo ng liderato ang ipinapakita niya, eh may ambisyon pa naman siyang magiging kapalit ni Philippine National Police (PNP) chief Dir. Gen. Leandro Mendoza. Itanong mo yan kay First Gentleman Mike Arroyo at alam niya ang kasagutan.
Para hindi siya maakusahang patong sa mga jueteng diyan sa kanyang sakop, ang dapat gawin ni Berroya ay ipasara niya ang mga pasugalan ni Ngongo at iba pa. Huwag siyang maging balat-sibuyas dahil bistado na siya ng masa. Kaya kung magbabanggaan sa hinaharap itong sina Berroya at Liongson alam nyo na mga suki kung ano ang dahilan. Buwenas pa rin si Berroya dahil si Marin sa ngayon ay nagtatago pa. Kapag nahawakan na si Marin ng kampo ni Sen. Ping Lacson, sigurado akong maebidensiyahan siya katakut-takot na sangga na naman ang gagawin niya ukol sa jueteng ni Ngongo. Abangan!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest