Tambalang Viceo at Caro: Hahawak ng jueteng sa Rizal
March 15, 2002 | 12:00am
Pinipilit na solohin ng tambalang gambling lords na Jessie Viceo at Eddie Caro ang jueteng operations sa Rizal. At mukhang sa ngayon pa lang, bumibigay na ang opisina nina Rizal Gov. Nini Ynares at Supt. Arturo Tolentino, Rizal PNP provincial director, kayat hindi ako magtataka kung sina Viceo at Caro na ang namamahala ng jueteng sa naturang lugar. Di ba itong si Viceo rin, ang gambling lord na nakabase sa Bulacan, ang binigyan ng basbas ng Malacañang para mamalakad ng jueteng operations sa bansa kapalit ang war chest ni Presidente Gloria Macapagal-Arroyo sa darating na 2004 elections? Ang tibay pala nitong si Viceo, di ba mga suki?
Kapag nagkataon, ang maiitsa-puwera sa Rizal ay si Tony Santos, ang jueteng king ng Metro Manila. Balita ko tinaasan nina Viceo at Caro ang kanilang payola money kina Gov. Ynares at Supt. Tolentino kayat naiwang hilong-talilong si Santos ng Marikina City. Sobra talaga ang lakas nitong si Viceo. Dahil ang grupo ng mga tong kolektor mismo na pinamumunuan ng isang retiradong pulis ang nagbibigay daan para solohin nila ang jueteng sa Rizal. At ang ginagamit ng grupong retiradong pulis ay ang opisina ni Director Nestorio Gualberto, hepe ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) para linisin ang Rizal ng jueteng bago pumasok ang tambalang Viceo at Caro. Mukhang malaking sindikato sa sugal na itong grupo ng retiradong pulis.
Maliban sa CIDG, sila rin ang pumapapel para sa Department of Interior and Local Government (DILG) at iba pang sangay ng pulisya kayat kaya nilang mag-maniobra kung sinong gambling lord ang ilalagay nila sa isang lugar. Laking suwerte naman nina Viceo at Caro, no mga suki? Kung itong retiradong pulis ang magyabang, may taga-Malacañang umano na nakipag-usap kina Gov. Ynares at Supt. Tolentino para magsawalang kibo na lamang sila sa jueteng nina Viceo at Caro.
Ayon naman sa aking espiya sa Classmate nightclub sa Quezon City, maraming kasamahan natin sa hanapbuhay ang namamataan na kausap palagi nitong retiradong pulis sa naturang establisimiyento. Wow! Bagyo talaga ang koneksiyon, no mga suki?
Kaya wag kayong magtataka mga suki kung kaliwat kanan ang isasagawang raid ng taga-CIDG sa mga pasugalan sa probinsiya ni Ynares. Hindi naman nangangahulugang ipatitigil nila ang jueteng doon kundi lilinisin lang ang bakuran para wala nang sagabal sa operasyon nina Viceo at Caro. Pero kung totoo ang balitang tinaasan pa ng tambalang Viceo at Caro ang weekly payola ni Santos, ibig sabihin niyan hindi rin magtatagal itong jueteng operations nila sa Rizal. Kasi nga dadayain lang nina Viceo at Caro ang kanilang mga parukyano para mabawi ang perang inilabas na nila. Kaya ang payo ko sa taga-Rizal, huwag na kayong tumaya sa jueteng nina Viceo at Caro at sigurado akong igigisa kayo sa sarili nyong mantika. Abangan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended