Ayon kay Ms. Charito Planas, direktor ng Nayong Pilipino, matitira lang ang bahagi ng Rice Terraces sa Mt. Province at ang Ilocandia. Ilan sa mawawasak na magandang tanawin na kinagigiliwan ng mga turista at ng mga batang mag-aaral na nagpi-field trip sa Nayong Pilipino ay ang Pagsanjan Falls, Mayon Volcano at Chocolate Hills.
Dapat bigyan ng pagpapahalaga at kredito where credit is due si dating First Lady Imelda R. Marcos na ang brainchild ay ang Nayong Pilipino. Nakapanghihinayang talaga na sirain ang Nayong Pilipino na itinuring na buhay na alamat ng bansa. Sayang ang mga puputuling matatandang punongkahoy.
Iginigiit ng mga opisyal ng NAIA na ang pagbuwag sa Nayong Pilipino ay pagtalima sa safety requirement ng international airport. Kahit na sabihing ire-reconfigure ang mga parte ng sisiraing Nayong Pilipino, hindi maaasahan na muling maipanunumbalik ang kagandahan nito. Marami ang tumututol na buwagin ang Nayong Pilipino.