^

PSN Opinyon

Sayang ang Nayong Pilipino

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
HANGGANG March 15 na lang ang Nayong Pilipino for public viewing sapagkat bubuwagin na ito para sa konstruksiyon ng cargo terminal ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Marami ang nanghihinayang sa pagbuwag sa Nayong Pilipino na sa loob ng 31 taon ay nagsilbing landmark at showcase ng kultura at sining ng bansa. Sumusukat ng 45 ektarya ang Nayong Pilipino at ang gagawing cargo terminal ng NAIA ay sasakop ng walo at kalahating ektarya kaya mawawasak ang magagandang parte ng animo’y buhay na buhay na mapa ng Pilipinas.

Ayon kay Ms. Charito Planas, direktor ng Nayong Pilipino, matitira lang ang bahagi ng Rice Terraces sa Mt. Province at ang Ilocandia. Ilan sa mawawasak na magandang tanawin na kinagigiliwan ng mga turista at ng mga batang mag-aaral na nagpi-field trip sa Nayong Pilipino ay ang Pagsanjan Falls, Mayon Volcano at Chocolate Hills.

Dapat bigyan ng pagpapahalaga at kredito where credit is due si dating First Lady Imelda R. Marcos na ang brainchild ay ang Nayong Pilipino. Nakapanghihinayang talaga na sirain ang Nayong Pilipino na itinuring na buhay na alamat ng bansa. Sayang ang mga puputuling matatandang punongkahoy.

Iginigiit ng mga opisyal ng NAIA na ang pagbuwag sa Nayong Pilipino ay pagtalima sa safety requirement ng international airport. Kahit na sabihing ire-reconfigure ang mga parte ng sisiraing Nayong Pilipino, hindi maaasahan na muling maipanunumbalik ang kagandahan nito. Marami ang tumututol na buwagin ang Nayong Pilipino.

CHOCOLATE HILLS

FIRST LADY IMELDA R

MARAMI

MAYON VOLCANO

MS. CHARITO PLANAS

MT. PROVINCE

NAYONG

NAYONG PILIPINO

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

PILIPINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with