^

PSN Opinyon

Editoryal - Ituloy ang paggulong ng hustisya

-
ANG pag-dismiss ni dating President Estrada sa kanyang mga abogado ay hindi dapat makapigil sa paggulong ng hustisya. Kahit na sinabi ni Estrada na hindi na siya naniniwala sa justice system at ipauubaya na lamang sa Diyos at taumbayan ang kanyang kapalaran, dapat pagpursigihan ng Sandiganbayan na ipagpatuloy ang paglilitis. Ang pagkakaantala sa paglilitis ay magdudulot ng masamang epekto sa bansa. Baka mawalan din ng tiwala ang mamamayan sa kakayahan ng Sandiganbayan.

Kung noon ay nagpapahinay-hinay sa pagsasampa ng kaso, mas dapat maging aktibo ngayon ang Sandiganbayan upang patunayan na walang kinikilingan ang batas. Patunayan kay Estrada na parehas ang ibinibigay na hustisya. Ang mariing paghahayag ni Estrada na hindi siya nakatatamasa ng parehas na katarungan ay dapat maging hamon sa mga huwes ng Sandiganbayan. Patunayan nilang mali si Estrada.

Bagamat apat na abogado na ng pamahalaan ang inilaan ng gobyerno kay Estrada, minabuti pa ring kunin ang serbisyo ng isang abogadong nagsilbi na noon kay Estrada upang maiwasan ang anumang alingasngas at pagrereklamo. Pinag-resign ni Estrada ang kanyang siyam na abogado noong Miyerkules sapagkat hindi raw siya nakakukuha ng katarungan. Ginawa ni Estrada ang kakatwang hakbang matapos aminin sa isang TV interview na siya nga ang pumirma sa "Jose Velarde" account. Makaraang pagbitiwin ang mga abogado ay naglitanya na si Estrada at marami ang sinisi sa kanyang pagbagsak. Sinisi ang mayayaman, media, si Cardinal Sin at marami pang iba. Hindi raw siya binigyan ng pagkakataon na maipagtanggol ang sarili. Maaari na raw siyang ikulong sa city jail o i-lethal injection.

Ang mga pahayag at hakbang ni Estrada ay nakagugulat at nakapagtataka. Marami ang naghihinala na ang mga ito ay bahagi ng taktika ng kanyang mga abogado. Maraming inililigaw ang mga bagong hakbang na ito at masasabing isang bitag.

Bago naging Presidente si Estrada, siya ay isang magaling na artista na nagkamit ng mga karangalan. Nakilala dahil sa pag-arte na ang karamihan sa mga ginampanan ay naapi na muling bumangon at lumaban. Ganito ang gustong panoorin ng mahihirap. Iyon bang ang bida ay ginulpi muna subalit nagtagumpay din sa dakong huli. Pero ngayon ay matatalino na ang mga manonood. Alam na nila kung ang bida ay nagkukunwari o umaarte lamang.

Anu’t anuman ang palabas ni Estrada, iisa lamang ang nararapat gawin ngayon. Ituloy at huwag titigilan ang paglilitis hanggang sa lumantad ang katotohanan.

ALAM

ANU

BAGAMAT

CARDINAL SIN

ESTRADA

JOSE VELARDE

PATUNAYAN

PRESIDENT ESTRADA

SANDIGANBAYAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with