^

PSN Opinyon

Tagumpay ng mga taga-Cherry Hills

HINDI PA TAPOS ANG LABAN - Mike Defensor -
Isang malaking tagumpay para sa mga taga-Cherry Hills ang desisyon ng Housing and Land Use Regulatory Board (HLURB) na magbayad ang Philjas Corp., ang developer ng Cherry Hills Subdivision ng danyos sa mga biktima ng trahedya noong 1999. Naguho ang subdivision noong Agosto 1999 nang bumigay ang pundasyon nito dahil sa ilang araw ng pag-ulan. May 60 tao ang namatay sa trahedya at may 378 na mga bahay ang nasira.

Naging napakabigat ang epekto ng trahedyang ito sa mga taga-Cherry Hills sapagkat nawasak na ang kanilang bahay ay nawalan pa sila ng mga mahal sa buhay. Ang bahay at lupa ay kanilang hinuhulugan. Sa desisyon ng HLURB ay nakamit ng mga taga-Cherry Hills ang katarungan. Maging ang license to sell at certificate of registration ng Philjas ay kinansela. Pinawalang-bisa rin ang mga kontratang pinagkasunduan ng mga biktima at Philjas kung kaya kailangang ibalik ng Philjas ang mga naibayad ng mga homeowners. Blacklisted na rin ang Philjas at hindi na maaring gumawa ng anumang proyekto.

Ang desisyon ng HLURB ay magsisilbing aral sana sa mga developers upang pagbutihin ang kanilang mga plano at proyekto. Ang anumang paglabag sa batas at panuntunan ay nararapat lamang na panagutan at patawan ng parusa.

Sa mga pribadong developers, ang pagpapatayo ng bahay ay malaking negosyo at pinakamagandang paraan upang tangkilikin ng publiko ang kanilang mga produkto ay ang maayos na pagsunod sa plano at pagtupad sa mga serbisyo at pasilidad na ipinangako sa homeowners.

AGOSTO

CHERRY HILLS

CHERRY HILLS SUBDIVISION

HOUSING AND LAND USE REGULATORY BOARD

ISANG

NAGUHO

PHILJAS

PHILJAS CORP

PINAWALANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with