Ang pagbabagong-anyo ni Jesus
February 24, 2002 | 12:00am
Ang Pagbabagong-anyo ni Jesus ay isang maluwalhating pagpapahayag sa kanya. Si Jesus, na isang tao sa laman at dugo ay naging maningning. Punumpuno siya ng liwanag. Bakit ang maluwalhating pangyayaring ito ay ibinibigay sa atin ganoong dapat natin siyang samahan sa kanyang pasyon sa panahong ito ng Kuwaresma?
Ang kasagutan ay ibibigay sa atin ng kuwento ng Pagbabagong-anyo na inilahad ni Mateo (Mt. 17:1-9).
Pagkaraan ng anim na araw, isinama ni Jesus si Pedro, at ang magkapatid na Santiago at Juan, at silay umakyat sa bundok. Samantalang silay naroon, nakita nilang nagbagong-anyo si Jesus: nagliwanag na parang araw ang kanyang mukha, at pumuting parang busilak ang kanyang damit. Nakita na lamang at sukat ng tatlong alagad sina Moises at Elias na nakikipag-usap kay Jesus. Kayat sinabi ni Pedro kay Jesus, Panginoon, mabuti pay dumito na tayo. Kung ibig ninyo, gagawa ako ng tatlong kubol: Isa sa inyo, isa kay Moises at isa kay Elias. Nagsasalita pa siya nang liliman sila ng isang maningning na ulap. At mula ritoy may tinig na nagsabi, Ito ang minamahal kong Anak na lubos kong kinalulugdan. Pakinggan ninyo siya! Ang mga alagad ay natakot nang gayon na lamang nang marinig nila ang tinig. At silay napasubsob. Ngunit nilapitan sila ni Jesus at hinipo. Tumindig kayo, sabi niya, huwag kayong matakot. At nang tumingin sila ay wala silang nakita kundi si Jesus.
At habang bumababa sila sa bundok, iniutos ni Jesus sa kanila, Huwag ninyong sasabihin kaninuman ang pangitain hanggat hindi muling nabubuhay ang Anak ng Tao.
Ang tatlong alagad ay mga saksi sa maluwalhating pangyayari. Sila rin ay makasasama at kalapit ni Jesus sa kanyang paghihirap sa hardin ng Getsemani.
Ang mukha, katawan at damit ni Jesus ay binalot ng liwanag.
Nag-alok si Pedro na magtayo ng tatlong kubol. Ito ngayon ang sandali ng kaluwalhatian.
Isang tinig tulad nang narinig sa pagbautismo kay Jesus ay narinig. Ito ang minamahal kong Anak na lubos kong kinalulugdan. Pakinggan ninyo siya! Sinabi ng Ama kay Pedro, Santiago at Juan na pakinggan si Jesus. Ang Pagbabagong-anyo ay isang patikim sa Pagkabuhay na muli. Subalit ang Pagbabagong-anyo ay isang antas lamang sa paglalakbay tungo sa krus.
Si Pedro, Santiago at Juan at lahat tayo ay tinatagubilinan na tanggapin ang krus upang makibahagi sa Pagkabuhay na muli.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest