Sa ganitong sitwasyon ang karaniwang ingreso niya sa isang araw ay umaabot ng P1,500. Kung Linggo itoy umaabot ng P3,000. Dito kinakaltas ang 20 porsiyentong komisyon niya.
Pagkatapos magtrabaho ng tatlong taon, nawalan ng trabaho si Manny dahil pinagbili ni Pedro ang mga taksi at di na pinagmaneho pa si Manny ng bagong may-ari. Idinemanda ni Manny si Pedro upang bayaran siya ng overtime sa mga panahong nagmamaneho siya ng lampas sa walong oras at sa mga araw ng Linggo at pista opisyal. Makakakuha ba si Manny ng overtime?
Hindi. Ang isang empleyadong walang tiyak na suweldo at tumatanggap ng ibat ibang bayad batay sa trabahong nagawa at di batay sa oras ng trabaho ay di sakop ng "Eight-Hour Labor Law" at walang karapatang sumingil ng karagdagang suweldo. Si Manny ay isang taksi driver na walang tiyak na suweldo at ang oras ng trabaho niya ay paiba-iba at hindi regular. Sumusuweldo siya batay sa resulta at hindi sa uri ng trabaho. Kaya maituturing na siyay isang manggagawang por piraso na walang karapatan sa overtime pay. (Lara vs. Del Rosario 94 Phil. 778)