Sa tingin ko, ang maraming Mambabatas na pumirma sa resolusyon ay naantig ng makataong damdamin. Natanto na dapat isaisantabi ang pulitika at tingnan si Estrada bilang isang taong nangangailangan ng tulong bagaman at siyay nahaharap sa isang mabigat na asuntong "plunder".
Hindi ako umaayong pagbigyan ang hiling ni Estrada dahil kampi ako sa kanya. Pero naniniwala akong itoy makalulutas sa malaking bahagdan ng tensyong pampulitika sa bansa.
At hindi ako naniniwalang magtatago sa Amerika si Estrada para iwasan ang kanyang asunto. Mas malaking problema ang haharapin niya sa pagtatago. Hindi maikli ang kamay ng batas lalo pat kaalyado ng Pilipinas ang Amerika na walang pasubaling aaksyon para maibalik sa bansa ang sino mang nagkukubli sa batas.
Sabi naman ni Bishop Ramon Arguelles ng Catholic Bishops Conference of the Philippines, magiging "double standard" ang administrasyon kung papayagan si Estrada sa kanyang hiling. Ibig sabihin, may mga bilanggong pinagbibigyan dahil impluwensyal at mayaman at mayroong hindi dahil marahil sa kahirapan.
Tanggapin man natin o hindi, iba ang katayuan ni Estrada sa ordinaryong bilanggo gaano man kabigat ang kaso niya.
Dati siyang Presidente at ang kanyang pagkakapiit ay may mabigat na political impact na humahati sa bansa. Asar man tayo doon sa sektor ng mga taong patuloy na sumusuporta kay Estrada, hindi natin maitatatwang silay political force pa rin which can spell the difference between a peaceful and chaotic government.
Kaya habang iniipit ang pagsusumamo ni Estrada na maipagamot sa Amerika ang kanyang tuhod, lalo lamang nagpupuyos sa galit ang mga tagasunod niya na hindi ubrang maliitin ang impluwensya sa lipunan.
Kung ang ipinapangamba ay ang posibleng di pagbabalik ni Estrada, eh di tanuran siya habang naroroon. Hilingin ang assistance ng FBI o kayay magtalaga ng mga tauhan ng ating embahada o konsulada sa Amerika.
We are supposed to be a Christian nation. Kahit pa ang isang taong malapit nang bitayin dahil sa isang malubhang paglabag sa batas ay binibigyan pa ng medical care kung nagkakasakit, si Estrada pa kaya na hindi pa naman nahahatulan?
This is just my own opinion and I respect the contrary opinions of others. Pero sanay makita nila ang wisdom ng aking opinyon.