^

PSN Opinyon

Double standard kung pagbibigyan si Erap

- Al G. Pedroche -
KAPAG pinayagan si ex-president Estrada na magpunta sa Amerika at hindi bumalik, dapat daw magbitiw ang lahat ng Senador at Kongresista na nag-endorso ng kanyang pagpapagamot sa ibang bansa. Ito ang sigaw ng mga tutol na makapagpagamot si Estrada ng kanyang naglulubhang tuhod sa US.

Sa tingin ko, ang maraming Mambabatas na pumirma sa resolusyon ay naantig ng makataong damdamin. Natanto na dapat isaisantabi ang pulitika at tingnan si Estrada bilang isang taong nangangailangan ng tulong bagaman at siya’y nahaharap sa isang mabigat na asuntong "plunder".

Hindi ako umaayong pagbigyan ang hiling ni Estrada dahil kampi ako sa kanya. Pero naniniwala akong ito’y makalulutas sa malaking bahagdan ng tensyong pampulitika sa bansa.

At hindi ako naniniwalang magtatago sa Amerika si Estrada para iwasan ang kanyang asunto. Mas malaking problema ang haharapin niya sa pagtatago. Hindi maikli ang kamay ng batas lalo pa’t kaalyado ng Pilipinas ang Amerika na walang pasubaling aaksyon para maibalik sa bansa ang sino mang nagkukubli sa batas.

Sabi naman ni Bishop Ramon Arguelles ng Catholic Bishops Conference of the Philippines, magiging "double standard" ang administrasyon kung papayagan si Estrada sa kanyang hiling. Ibig sabihin, may mga bilanggong pinagbibigyan dahil impluwensyal at mayaman at mayroong hindi dahil marahil sa kahirapan.

Tanggapin man natin o hindi, iba ang katayuan ni Estrada sa ordinaryong bilanggo gaano man kabigat ang kaso niya.

Dati siyang Presidente at ang kanyang pagkakapiit ay may mabigat na political impact na humahati sa bansa. Asar man tayo doon sa sektor ng mga taong patuloy na sumusuporta kay Estrada, hindi natin maitatatwang sila’y political force pa rin which can spell the difference between a peaceful and chaotic government.

Kaya habang iniipit ang pagsusumamo ni Estrada na maipagamot sa Amerika ang kanyang tuhod, lalo lamang nagpupuyos sa galit ang mga tagasunod niya na hindi ubrang maliitin ang impluwensya sa lipunan.

Kung ang ipinapangamba ay ang posibleng di pagbabalik ni Estrada, eh di tanuran siya habang naroroon. Hilingin ang assistance ng FBI o kaya’y magtalaga ng mga tauhan ng ating embahada o konsulada sa Amerika.

We are supposed to be a Christian nation.
Kahit pa ang isang taong malapit nang bitayin dahil sa isang malubhang paglabag sa batas ay binibigyan pa ng medical care kung nagkakasakit, si Estrada pa kaya na hindi pa naman nahahatulan?

This is just my own opinion and I respect the contrary opinions of others
. Pero sana’y makita nila ang wisdom ng aking opinyon.

AMERIKA

ASAR

BISHOP RAMON ARGUELLES

CATHOLIC BISHOPS CONFERENCE OF THE PHILIPPINES

DATI

ESTRADA

HILINGIN

IBIG

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with