Go na go na ang VRIS project sa Comnelec
February 16, 2002 | 12:00am
KASIYAHAN ang natamo ng Photokina Marketing Corporations, ang nanalong bidder sa Comelec, dahil pumabor sa kanila si Presiding Judge Ma. Luisa Quijano-Padilla ng National Capital Judicial Region RTC. Inutusan ni Judge Padilla ang Comelec na ipatupad ang kontratang napanalunan ng photokina kaugnay sa Voters Registration Identification System (VRIS) project.
Masyado kasing nadehado ang Photokina consortium sa Unisys, IBM, Polaroid at Sagem S.A. porke ayaw ipatupad ni Comelec Chairman Alfredo Benipayo ang P6.588 billion kontratang napanalunan nila para linisin ang voters database nang may 35 million voters.
Sabi kasi ni Benipayo walang sapat na pera ang Comelec para sa VRIS project kaya kukuha na lamang sila ng ibang kompanya na magbibigay ng mas murang halaga para sa kanilang modernization program. Sana hindi na lang nag-bidding para sa proyekto kung ganoon pala ang gusto.
Halos dalawang taong napigil ang proyektong ito. Kung hindi nila sinampahan ng demanda sa Korte ang Comelec tiyak goodbye yellow ribbon ang mangyayari. Aapela pala si Benipayo sa desisyon ni Judge Padilla porke hindi niya matanggap ang pagkatalo sa Photokina.
Tinitiyak ng Photokina na hindi puwedeng dayain ang kanilang pinagmamalaking VRIS. Malilinis ang National Voters List kaya tiyak nilang one voter, one vote ang mangyayari.
Sana maayos na ang election sa bansa. Palpak ang Comelec kapag may ganitong pangyayari sa Pilipinas. Puro press release nang press release lamang kaya walang pagbabago sa sistema, sabi ng kuwagong naghuhukay ng sariling libingan.
VRIS ang sagot sa clean and honest election kung talagang gugustuhin, natatawang sagot ng kuwagong pulis na naglalanggas ng sariling galis.
Kung ganoon dapat ipatupad ito sa lalong madaling panahon, sabi ng kuwagong Kotong Cop.
Tiyak na agarang ipatutupad ito dahil may utos si Padilla sa Comelec, sagot ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
Eh, kung ayaw pa rin?
Bahala silang magsama-sama sa kalaboso.
Ok yan Kamote!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended