Ang paglipat ni Titong
February 9, 2002 | 12:00am
Malungkot ang mukha ni Titong nang makasalubong ko isang araw sa nayon.
Mukha kang Biyernes Santo, bati ko kay Titong.
Pinalilipat na kami ng may-ari ng lupa, Doktor.
Bakit? tanong ko dahil parang pang-aapi ang biglang pagpapaalis sa kanila.
Naipagbili na raw ang lupa at apurado ang bagong may-ari sa paglipat, sagot ni Titong na walang buhay ang boses.
Tumahimik ako. Nadarama ko ang hinagpis ng kalooban ni Titong. Matagal na rin siyang nakatira at nagsasaka sa lupa. Ganoon man pilit ko pa rin siyang pinatatawa.
Huwag kang mamrublema Titong, payo ko.
Sana sinunod ko ang payo ng aking mga kapitbahay na huwag akong magtanim ng punong mangga. Ngayon ay apat na taon na ang mga puno at hindi ko sila maililipat. Tama pala ang mga kapitbahay ko, Doktor.
Huwag mo nang intindihin ang punong mangga, ang isipin mo ay saan kayo lilipat. Iiwan mo ba itong bahay kubo mo?
Dadalhin ko ito Doktor.
Bubuhatin ang bahay-kubo sa pamamagitan ng bayanihan. Tulung-tulong para mailipat sa ibang lugar. Ginagawa pa rin iyon sa nayon.
Saan mo ba balak lumipat?
Sa dulo ng barrio, Doktor. Sana bisitahin mo pa rin kami kahit mas malayo na.
Maaasahan mo Titong, sagot ko.
Isang buwan ang lumipas at dinalaw ko si Titong. Nagulat ako sapagkat masaya na si Titong.
"Mas masarap ang hangin dito Doktor. Hindi gaya sa pinanggalingan namin.
Hindi mo na naiisip o pinuproblema ang mga puno ng mangga?
Hindi na Doktor.
Dinala ako ni Titong sa likod-bahay at nakita ko ang maraming punla ng pananim. Ibat ibang klase ng punongkahoy na nakahanda na para itanim.
Patuloy akong magtatanim ng puno Doktor para maging malinis ang hangin.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 10, 2025 - 12:00am