^

PSN Opinyon

Inaaliping paslit

SAPOL - Jarius Bondoc -
HINDI lang sa Pilipinas lumalala ang problema ng child prostitution. Hindi lang din dito dumadami ang child workers sa sweat shops. At di lang din dito inaapi ang mga paslit sa mapapanganib na trabaho tulad ng muro-ami.

Sa buong Asya ngayon, nangingilabot ang mga aktibista sa salot ng child prostitution. Sa Burma, halimbawa, ang Army mismo ang kumikidnap sa mga dalagita para gawing sex slaves sa kampo. Kumikidnap din ng mga binata para alipinin sa paglilinis, paglalaba, at pagtatanim.

Sa Cambodia, ibinebenta ng mga magulang ang anak – babae o lalaki – sa mga mama-san sa karatig-bansang Thailand, kung saan humahatag ang turista ng $300 para matikman ang virgin. "Binibili" sila ng social workers nang $4,000 (P200,000) para mapalaya.

Sa India at Pakistan, nagbebenta ng bata sa mayayamang sheiks sa Emirates. Ginagawa silang hinete ng camels sa mga karerang milyunan ang pusta. Taga-alaga rin 18 oras bawat araw. Maraming napipilayan o namamatay sa aksidente.

Sa Indonesia, ibinebenta rin ang mga bata para magtrabaho sa mga jermal. Mga entabladong-kahoy ito sa laot, at doo’y sapilitan silang pinangingisda, kundi ay lalatiguhin at hindi pakakainin.

Sa Tsina, bukod sa mga bilanggo, mga bata ang pinagtatrabaho sa mga pabrikang dayuhan. Mas mura na, hindi pa umaangal.

Mapapaluha ka sa kuwento ng daan-libong mga paslit. Karamihan sa kanila, nais makauwi nang mayapos nang mahigpit ang magulang at hindi na mapuknat muli sa kanilang piling. Lahat sila, kinukumbinsi ang sarili na mahal na mahal sila ng nanay at tatay. Hindi inaamin sa sarili at sa kapwa na ibinenta sila ng mga dukhang magulang sa konting halaga para makabili ng sewing machine o bisikletang pang-negosyo. ‘Yung iba, ayaw nang umuwi dahil sa kahihiyan sa sinapit na kapalaran.

Sana magising at tumulong ang mayayamang bansa sa paglunas.
* * *
Makinig sa Sapol ni Jarius Bondoc sa DWIZ-882, bukas 8-10 ng umaga.

vuukle comment

ASYA

BINIBILI

JARIUS BONDOC

SA BURMA

SA CAMBODIA

SA INDIA

SA INDONESIA

SA TSINA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with