^

PSN Opinyon

Pangarap na bahay

DOON PO SA NAYON - DOON PO SA NAYON ni Sen. Juan M. Flavier -
NAKAUPO kami ni Titong sa kawayang papag at nagkukuwentuhan.

"Titong, ano ang gagawin mo kung magkakaroon kang bigla ng dalawampung libong piso?"

"Hihimatayin ako sa tuwa, Doktor."

"Ang ibig kong sabihin ay ano ang pagkakagastusan mo?"

"Pagagandahin ko itong bahay kubo. Gagawin kong semento."

Hindi ko inaasahan ang kanyang sagot. Ang akala ko’y gagastusin niya sa pag-aaral ng kanyang mga anak.

"Bakit?" tanong ko.

"Nakakahiya na ang bahay ko dahil sira-sira na."

"Pero bakit semento, di ba mas maganda ang bahay kubo. Presko at hindi maalinsangan."

"Totoo ang sinabi mo, Doktor. Pero ang kawayan at kahoy ay inaanay. Pero ang semento ay permanente. Pag dumating ang bagyo ay hindi basta magigiba."

"Ano ang bubong ng bago mong bahay?" tanong ko pa.

"Siyempre’y tisa, para permanente na. Hindi binubukbok at inaanay. Hindi rin kinakalawang."

"Pero mayroon kang problema," sabi ko.

"Ano po iyon, Doktor?"

"Pag naging semento at tisa ang bahay mo hindi mo na maililipat o mabubuhat ng "bayanihan" gaya ng bahay kubo mo."

Nag-isip si Titong at sumagot, "Oo nga, at saka isa pa, wala akong dalawampung libong piso."

ANO

BAHAY

BAKIT

DOKTOR

GAGAWIN

HIHIMATAYIN

PAG

PERO

TITONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with