^

PSN Opinyon

Editoryal - Naglalahong liwanag sa Marcos wealth

-
LABING-ANIM na taon ang ginagawang paghahabol sa ill-gotten wealth ng mga Marcos at hanggang ngayon nananatiling walang liwanag kung kailan mababawi ang ninakaw sa kabang-bayan. Patuloy pa itong lumalabo. Pinalalabo ito ng mga kakatwang nangyayari sa Sandiganbayan. Kung anu-ano ang nangyayari sa Sandiganbayan at pati pagdedesisyon sa mga mahahalagang kaso ay nakadidismaya. Tinubuan na ng lumot ang pag-iimbestiga sa $659.7 million at hindi lamang ang gobyerno ang nawawalan ng pag-asa sa kasong ito kundi pati na rin ang mga human rights victim na matagal nang umiiyak sa pagkakamit ng katarungan. At sa bagong pagsulpot ng problema, walang ibang sinisisi kundi ang mga desisyong pabagu-bago ni Sandiganbayan Presiding Justice Francis Garchitorena.

Ni-reject ng Sandiganbayan ang claim ng gobyerno sa kayamanan ni Marcos na kasalukuyang nakabimbin in escrow sa Philippine National Bank. Ang Presidential Commission on Good Government (PCGG) ay wala rin namang magawa at tila sunud-sunuran kung ano ang maging desisyon ng Sandiganbayan. Sinabi noong Biyernes ng Sandiganbayan na "walang katibayan na ang perang en scrow mula sa Swiss bank ay pag-aari nga ng mga Marcos." Ang PCGG pa ngayon ang tila sinisi ng Sandiganbayan sapagkat nabigo umanong iharap ang "aunthenticated translations" ng rulings ng Swiss Federal Court na nagdedeklarang ang pera ay sa mga Marcos nga.

Mahirap ngang makakita ng liwanag sa mga kasong hinahawakan ng Sandiganbayan lalo pa nga at kung anu-anong kontrobersiya ang nakabalot. Nagbangayan sina Garchitorena at Justice Anacleto Badoy hinggil sa isyu ng paghawak sa kasong plunder ni dating President Estrada. Nagkakampu-kampo pa sila at nagkagatan. Kasunod niyo’y sinuspinde naman ng Korte Suprema si Garchitorena dahil sa mga kasong natatambak at hindi nadedesisyunan.

Ang gobyerno sa pamamagitan ng PCGG ay hindi dapat magpahinay-hinay o maging malambot sa paghabol sa ill-gotten wealth ng mga Marcos. Kapag walang nangyari sa matagal nang ipinaglalabang kinurakot na yaman, mapagbibintangan pa ang gobyerno na nagsasawalang-kibo hanggang sa mawalan nang tuluyan ang kaso. Paano naman ang taumbayan na siyang tunay na ninakawan. Paano naman ang mga nabiktima ng pang-aabuso at nawalan ng dangal?

vuukle comment

ANG PRESIDENTIAL COMMISSION

GARCHITORENA

GOOD GOVERNMENT

JUSTICE ANACLETO BADOY

KORTE SUPREMA

PAANO

PHILIPPINE NATIONAL BANK

SANDIGANBAYAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with