Narito ang siyam na mga Beautitudes. (Mt. 5:1-12).
Nang makita ni Jesus ang napakakapal na tao, umahon siya sa bundok. Pagkaupo niyay lumapit ang kanyang mga alagad, at silay tinuruan niya ng ganito:
Mapalad ang mga aba na wala nang inaasahan kundi ang Diyos, sapagkat makakasama sila sa kanyang kaharian. Mapalad ang mga nahahapis, sapagkat aaliwin sila ng Diyos. Mapalad ang mga mapagkumbaba, sapagkat tatamuhin nila ang mga ipinangako ng Diyos. Mapalad ang mga nagmimithing makatupad sa kalooban ng Diyos, sapagkat ipagkakaloob sa kanila ang kanilang minimithi. Mapalad ang mga mahabagin, sapagkat kahahabagan sila ng Diyos. Mapalad ang mga may malinis na puso, sapagkat makikita nila ang Diyos. Mapalad ang mga gumagawa ng daan sa ikapagkakasundo, sapagkat silay ituturing ng Diyos na mga anak niya. Mapalad ang mga pinag-uusig dahil sa kanilang pagsunod sa kalooban ng Diyos, sapagkat makakasama sila sa kanyang kaharian.
Mapalad kayo kapag dahil sa akiy inaalimura kayo ng mga tao, pinag-uusig at pinagwiwikaan ng lahat ng uri ng kasamaan na pawang kasinungalingan. Magdiwang kayo at magalak, sapagkat malaki ang inyong gantimpala sa langit. Gayon din ang ginawa ng mga tao sa mga propetang nauna sa inyo.
Bibigyan natin ng komentaryo ang apat sa mga Beatitudes; ang mahirap, ang mga nahahapis, ang mga nagmimithing makatupad sa kalooban ng Diyos at yaong mga inuusig. Ang naunang tatlo ay hindi tumutukoy sa tatlong uri ng pangkat ng mga tao. Datapwat silay nabanggit bilang tatlong halimbawa ng uri ng mga tao na aba at naaapi. Hindi sila mapalad dahilan sa kanilang katangian, subalit sinasabi ni Jesus na silay mapalad sapagkat ang Diyos ay nasa panig nila. Kay Jesus nakikita nila ang kanilang tunay na kahalagahan at dangal. Nakasisiguro na sila sa kanilang kalalagyan sa kaharian o paghahari ng Diyos.
Si Jesus ang konkretong halimbawa ng taong mahirap o aba. Siya ay inapi o inalipusta. Siyay inusig. Kahiya-hiya ang naging kamatayan niya sa krus.
Natatandaan nyo ba si Ninoy Aquino? Nang siyay mabilanggo, nagreklamo siya laban sa Diyos. Bakit ganoon ang pagtrato sa kanya? Subalit sa isa sa mga sandali nang kanyang malalim na pananalangin, natanto niya kung gaano kahirap at gaanong pinasakitan si Jesus sa krus. Nais ni Ninoy na tularan si Jesus. Namatay siyang aba sa tarmac ng airport. Ngayoy nagtatamasa siya ng walang hanggang kaligayahan at katiwasayan sa piling ni Jesus.