Araw-araw, nagsisimula sila sa kompanya ng mga alas-siyete ng umaga, ngunit wala silang daily time record. Planado ang kanilang ruta upang matapos ito sa loob ng walong oras. Ngunit kung minsan, lumalampas sila sa walong oras. Paglabas nila ng kompanya, sarili na nila ang kanilang oras at kapag natapos sila ng maaga sa paghatid, bumabalik sila sa kompanya para sa karagdagang delivery. Kaya ang tinatanggap nila bawat buwan ay depende sa kanilang sipag at tiyaga.
Sa kabila nito, humingi pa rin sila Ben ng overtime pay kapag lampas sa walong oras ang kanilang trabaho. Tinanggihan ito ng kompanya dahil binabayaran na raw sila ng karagdagang suweldo sa pamamagitan ng komisyong kanilang tinatanggap. Ang Eight Hour Labor Law ay hindi raw nila maaring gamitin. Tama ba ang kompanya?
Tama. Hindi nga magagamit nina Ben ang Eight Hour Labor Law. Totoo ngang may tiyak silang suweldo bawat buwan. Ngunit sa karagdagang trabaho nila lampas ng otso oras, silay binabayaran ng komisyon. Hindi tinakda ang oras nila at trabaho. Maaaring kumita sila ng malaki o maliit batay sa sipag, tiyaga at hangarin nila. Sa labas ng kompanya sila nagtatrabaho at hindi sila napapailalim sa isang supervisor. Walang paraan ang kompanya upang matiyak kung ilang oras silang nagtatrabaho. Kaya ang trabaho nila ng sobra sa otso oras ay maituturing ng pakyawan o pangungumisyon at hindi sakop ng Eight Hour Labor Law (SMB vs. Democratic Labor Org. 8 SCRA 613).