^

PSN Opinyon

Nasaan ang mastermind sa Punzalan murder?

KRUSADA - Dante L.A.Jimenez -
Nadakip noong nakaraang linggo ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isa pa sa mga suspect sa pagpatay kay dating Rep. Marcial Punzalan, Jr., ng Quezon. Pinatay si Punzalan sa Tiaong, Quezon noong Mayo 12, 2001 sa miting de avance ng kanyang asawa. Ang suspect ay nakilalang si Mario Rivera, 54. Kaugnay nito, kinasuhan na rin ng murder charges ang isa pang suspect na si Andro Quitalig.

Si Rivera ayon sa mga awtoridad ay sangkot sa pagkakapatay sa isang kasapi ng CAFGU ilang taon na ang nakalilipas. Sa pagkakadakip kay Rivera, tila nawala ang anggulo na ang NPA ang may gawa ng krimen. Unang naireport na ang grupo ng Melito Glor Command ang may kagagawan sa pagpatay kay Punzalan.

Sinabi ng NBI na posibleng pulitika ang naging motibo sa pagpatay kay Punzalan, at lumalabas na si Rivera ay isang hired assassin. Itinanggi naman ng NPA na sila ang pumatay kay Punzalan.

Ano ba ang ginagawa ng mga kinauukulan upang bigyan ng kalutasan ang krimeng ito? Alam natin na hindi lamang ang kasong ito ang nagpapasakit ng ulo dulot ng kahinaan ng sistemang panghustisya.

Habang nananatiling gumagala ang mga kriminal ni Punzalan, hindi matatahimik ang kaso at marahil maging ang kalagayan ng pulitika sa lalawigan ng Quezon ay nakapangangamba.

Tinatawagan ang ating mga kinauukulan sa bagay na ito na lutasin at hanapin ang utak ng Punzalan murder. Abangan ang mga magaganap sa kasong ito ni Punzalan.

ABANGAN

ANDRO QUITALIG

MARCIAL PUNZALAN

MARIO RIVERA

MELITO GLOR COMMAND

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

PUNZALAN

QUEZON

RIVERA

SI RIVERA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with