^

PSN Opinyon

Editoryal - Durugin na rin ang Pentagon gang

-
NALALAPIT na ang wakas ng mga bandidong Abu Sayyaf, batay sa pagtaya ni President Gloria Macapagal-Arroyo. Nagbibilang na siya ng sisiw – lalo pa nga ngayong hindi biro ang dumagsang American soldiers na tutulong para puksain ang mga bandido. Maaaring wala na ngang tatakbuhan ang mga bandido at lumiliit na ang tinatapakan ng mga ito. Hawak pa ng mga bandido ang mag-asawang Martin at Marcia Burnham at ang Pilipinang nurse na si Deborah Yap makaraang kidnapin noong June sa Palawan. Karumal-dumal na ang mga ginawa ng mga bandido, pinatay nila ang dalawang bihag na babae dalawang taon na ang nakararaan, saka tinapyasan ng suso; binunutan ng kuko ang paring bihag, at pinugutan naman ng ulo ang dalawang lalaking teacher.

Pilay ang military at walang magawang paraan kung paano mapupulbos ang mga bandido. Huling baraha na ng gobyerno ang mga Amerikano para masugpo ang mga bandidong nakakukuha ng suporta at pera sa international terrorist na si Osama bin Laden. Marami ang tumututol sa pagdagsa ng mga sundalong Kano pero ang nakapagtataka’y wala naman silang maibigay na suhestiyon kung paano wawakasan ang problema na nagpalubog sa imahe ng Pilipinas. Hindi na makabangon sa taguring "kidnapping capital ng mundo". Ang sakit nito!

At hindi pa man nadudurog ang mga Abu Sayyaf, sumulpot ang isa pang grupo at gumagawa ng pangalan sa larangan ng pangingidnap at pagkamal ng ransom. Lumitaw ang Pentagon gang at nakapagtala na nang mga serye ng pangingidnap noon pang nakaraang taon. Sila ang responsable sa pagkidnap sa apat na Chinese sa North Cotabato at Maguindanao noong nakaraang taon. Dalawa sa mga Chinese ang pinatay ng grupo makaraang makaengkuwentro ang militar. Dalawang Chinese naman ang napalaya noong October 2001 makaraang makialam ang Libyan ambassador. Ang Pentagon gang din ang kumidnap kay Catholic priest Guissepi Pierantoni sa Dimatiling, Zamboanga del Sur noong October last year.

Ang pinakahuling biktima ng Pentagon ay si Dr. Rosemarie Agustin, 53. Kinidnap si Dr. Agustin sa Cotabato City noong Martes dakong alas-diyes ng gabi.

Maaaring magwakas na nga ang mga Abu Sayyaf sa kabila ng mga batikos ng pulitiko, subalit narito na naman ang isang grupo na maaaring lumumpo sa imahe ng bansa. Habang maaga pa’y durugin na rin ang Pentagon gang. Huwag nang pakinggan ang mga batikos, ang mahalaga’y masiguro ang kaligtasan ng mamamayan at mga dayuhang tutungo rito sa bansa.

ABU SAYYAF

ANG PENTAGON

COTABATO CITY

DALAWANG CHINESE

DEBORAH YAP

DR. AGUSTIN

DR. ROSEMARIE AGUSTIN

GUISSEPI PIERANTONI

MAAARING

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with