^

PSN Opinyon

Cellphone ko

SAPOL - Jarius Bondoc -
DARATING ang araw, anang isang telecoms expert, na cellphone mo ang huli mong makikita bago ka matulog, at una mong makikita pag gising. At lagi mo itong gagamitin sa kung anu-anong gawain maghapon.

Ganoon na nga ang nangyayari. Marami sa atin, ginagawa nang alarm clock ang cellphone. May alarm feature na, masaya pa ang tunog.

Hindi na basta pangtawag lang ang cellphone. Texting capital of the world nga ang Pilipinas. Kumikita nang P16 million araw-araw ang cellphone firms sa papiso-pisong texting. Ibig sabihin, 16 million text messages ang pinadadala natin miya’t-miya. Sa Pilipinas nga lang daw puwede mag-text ng isang joke, at sa loob ng dalawang oras ay sabay-sabay tumatawa ang dalawang milyong Pinoy.

May cellphones na WAP-enabled na. Puwedeng pang-email at surf sa Internet dahil sa Wireless Application Protocol. Mini-computer na kumbaga. Magastos nga lang.

Hindi lang pang-communicate ang cellphone. Directory na rin ito ng telephone numbers, residential at email addresses. Appointment calendar din, at notepad para sa malilimutin. Puwede ring gamiting pambayad ng credit card at ibang utang. Kung naka-enroll ang numero. May cellphone na puwedeng magpatugtog ng MP-3 o digital music. Parang mini-compo na. Meron ding puwedeng pang-masahe ng batok dahil sa vibration mode.

Di magtatagal, magkakaroon na rin ng cellphones na tila remote control ng mga kasangkapan sa bahay. Habang pauwi ka, puwede mo nang i-text ang hi-tech kalan para initin na ang ulam. O kaya i-tape ang paboritong TV show kung kailangan biglang mag-overtime. May dine-develop sa Japan na cellphone na puwede ring videocam, at pang unlock at start ng kotse.

Miski dumadami ang features ng cellphone, paliit ito nang paliit. At dahil sa dami ng features, di na halos ito bibitawan. Siguro sa future, ididikit na sa kamay natin ang cellphones. Dapat lang, para hindi na ito ma-snatch sa atin.

CELLPHONE

DAPAT

GANOON

HABANG

IBIG

KUMIKITA

MAGASTOS

MARAMI

SA PILIPINAS

WIRELESS APPLICATION PROTOCOL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with