^

PSN Opinyon

Pagkain sa nayon

DOON PO SA NAYON - DOON PO SA NAYON ni Sen. Juan M. Flavier -
"SIGE na Doktor, kumain ka na rito sa amin," samo ni Tetong. Nandoon ako kina Tetong sapagkat tsine-check-up ko ang kalusugan nilang mag-anak.

"Doon na lang sa bayan," sabi kong nagpapakipot.

"Dito na lang. Nanguha si Neneng ng paborito mong sigarilyas sa aming gulayan."

Ang asawa ni Tetong na si Neneng ay mahiyain. Nalaman pala nito na ang paborito kong gulay ay sigarilyas. Dahil dito, sadyang nagtanim para sa akin. At ngayong narinig na darating ako ay nanguha ng sigarilyas at iginulay. Gustung-gusto ko ang tuyo at sigarilyas.

Si Tetong at ako lang ang pinaupo sa mahabang dulang. Napakalinis ng mesa. Halatang bagong isis.

Ang kanyang mga anak ay hindi pinaharap dahil magulo.

Si Nitoy ang panganay na may anim na taong gulang ay tumingin sa dulang at biglang ibinulalas, "Bakit may kutsara sa mesa?"

Nanlisik ang mata ni Neneng sa anak at hinila sa sala. Hindi pinansin ni Tetong. Nagtataka si Nitoy sapagkat sa pagkain ay puro sila nagkakamay at hindi gumagamit ng kutsara o tinidor.

Lumingon ako sa aparador sa gilid. Napansin kong maraming mga baso. Iba-iba ang kulay at disenyo. "Ang dami ninyong basong inuman," sabi ko.

Ngumiti si Neneng. "Iyan ho ang natanggap namin noong kami ay ikinasal."

"Dekorasyon lamang iyan," sabi ni Tetong. "Hindi pinapagamit ni Neneng maliban kung kayo ay kumakain dito, Doktor."

Natuwa ako sa sinabi ni Tetong. Iba talagang tumanggap ng bisita ang mga taga-nayon – masarap silang maging kaibigan.

vuukle comment

BAKIT

DAHIL

DEKORASYON

DITO

DOKTOR

NENENG

SI NITOY

SI TETONG

TETONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with