^

PSN Opinyon

Biktima ng pag-aakala

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison -
Sabi ng mga moralista, kung wagas talaga ang pag-ibig ng isang tao, isa lamang ang dapat niyang mahalin. Pero kung sa kasawiang palad, ang taong kanyang minahal at pinakasalan ay namatay o inakalang namatay, pinapayagan ng batas at ng lipunan na siya’y magkaroon ng panibagong mamahalin. Ang problema lamang, paano kung ang inakala mong patay na ay biglang magbalik? Maaari ba silang pagsabayin ng isang babaing kapwa sila minahal? Ito ang tatalakayin natin ngayon.

Si Vina ay kasal kay Aris, isang empleado ng US Navy. Dahil sa kanyang trabaho, madalas na naiiwan si Vina na nag-iisa sa pagpapalaki sa kanilang anak. Tumagal ang ganitong sitwasyon nang 18 taon hanggang si Aris ay nadestino muli sa ibang lugar noong World War II at hindi na muling nagbalik.

Umuwi si Vina sa kanyang probinsiya at doon ay kanyang napag-alaman na si Aris ay patay na. Bumalik ng Maynila si Vina upang makaipon para sa pangangailangan ng kanyang pamilya. At dito ay nakilala niya si Baron.

Marami ang naging saksi sa nabuong pagmamahalan nina Vina at Baron hanggang tuluyan na silang nagsama sa iisang bahay. Ang kanilang relasyon ay nagbunga ng dalawang anak. Maayos na sana ang lahat nang bigla na lamang bumalik si Aris. Nalaman niya ang relasyon nina Vina at Baron. Dahil sa matinding galit, idinemanda niya ang dalawa ng adultery.

Sinabi naman ni Vina na hindi siya maaaring managot sapagkat inakala niya na patay na si Aris at bukod dito, sila ay basta na lamang iniwan ni Aris ng walang pinadadalang suporta sa kanilang mga anak.

Ang tanong na sinagot ng Korte Suprema ay kung sapat ang pag-akala sa pagkamatay ni Aris upang sila ay hindi managot sa kasong adultery.

Malinaw sa ating batas na maaaring managot si Vina sa salang adultery dahil sa kanyang relasyon kay Baron. Pero ayon sa Korte Suprema, maaari lamang babaan ang kanyang sentensiya dahil sa nagawa lamang ito ni Vina sa pag-aakala na patay na ang kanyang asawa, dahil hindi man lamang ito sumulat o nagpasabi na siya ay buhay pa. Kasama pa rito ang katotohanan na kailangang suportahan ni Vina ang anak niya kay Aris kaya siya kumapit sa patalim. (Circumstantial Victim, US. v. Alberto & Regala, CA 47 O.G. 2436)

ARIS

CIRCUMSTANTIAL VICTIM

DAHIL

KANYANG

KORTE SUPREMA

LAMANG

PERO

SI VINA

VINA

WORLD WAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with