Sina Cebu Customs Collector Roberto Sacramento at Acting Cebu Customs Collector Santiago Maravilla, ang ipinatapon sa Customs main office dahil sa isyu ng command responsibilities. Sila ay inilagay sa tanggapan ng Human Resources and Management Division.
Si John Tan, ang pinili ni Villanueva bilang Cebu Customs Collector.
Siguro ang Ombudsman ang dapat mag-imbestiga sa kaso ng mga nagsabwatang empleado ng Customs, Philippine Coast Guard, Philippine Ports Authority at maging mga security guards para maging patas ang question and answer portion. Ombudsman Aniano Desierto, Your Honor!
Imposibleng mawala na parang bula ang barko kasama ang imported rice na walang nakakaalam di ba Madam Rosa, ang batikang manghuhula ng Pilipino Star NGAYON.
Dapat palitang lahat ni Villanueva ang mga Customs people sa Cebu para gumanda ang imahe nito sa publiko tutal malapit na siyang magretiro. Di ba, Subic Customshouse Collector Billy Bibit, Sir?
Magkano kaya ang salaping pinaghatian dito Finance Secretary Lito Camacho, Sir? Asking lang ng mga kuwago ng ORA MISMO.
Matindi pala ang operasyon ng rice smuggling sa Port of Cebu, sabi ng kuwagong Kotong Cop.
Hindi lang rice smuggling, pati shabu ay pinapatulan na rin ng ilang kamoteng taga-Customs basta may pitsa, sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
Sa palagay mo hindi alam ng mga collector ang rice smuggling sa kanilang puerto? tanong ng kuwagong haliparot sa kabaret.
Imposibleng hindi, sagot ng kuwagong maninisip ng tahong.
Ibig mong sabihin alam nina Sacramento at Maravilla ang pangyayari.
Siyempre alam nila na nawala ang bigas!
Ang tanong ko yung rice smuggling.
On leave raw si Sacramento nang mawala ang bigas.
Si Maravilla raw ang Port Collector ng mga oras na iyon kaya siya ba ang sasabit?
Iyan ang hindi ko alam.
Paano ngayon iyan?
Dapat palitan muna lahat ang Customs people sa Port of Cebu habang may imbestigasyon, sabi ng kuwagong CO2-10 sa Camp Aguinaldo.
Si Chief Ombudsman Aniano Desierto ang dapat mag-imbestiga sa kaso. Para walang whitewash, kasi kung ang Customs na mga kabaro nila ang mag-iimbestiga, malamang na walang mangyayari sa kaso.
Basta ang importante ay masibak ang may kasalanan.
Titus tandaan mo ayaw ni GMA ng malatuba.