Sa dalawang obra-maestra na ito ni Rizal nakilala ang ilang tauhan na sumisimbolo sa mga kababayan natin noong panahon ng mga Spaniards. Si Crisostomo Ibarra, ang pangunahing tauhan sa "Noli" ay kumakatawan sa matalinong Pilipino na mag-aaral sa Europa at pumukaw sa kaisipan at damdamin ng kanyang mga kababayan tungkol sa pagmamalabis ng mga Spaniards. Naniniwala si Ibarra na ang edukasyon ay mahalaga sa pagkakaroon ng reporma sa lipunan.
Umibig si Ibarra kay Maria Clara, isang mayuming dalagang Pilipina subalit ang pag-iibigan nila ay sinira ni Father Damaso, ang tunay palang ama ni Maria Clara at hindi si Kapitan Tiago, ang simbolo ng Pilipinong animoy asong sunod sa anumang sabihin ng mga prayleng mapagkunwari.
Si Sisa ang sumasagisag sa Inang Bayan na naging baliw dahil sa kahirapan at pagiging api. Pinagbintangang magnanakaw ang kanyang mga anak na sina Basilio at Crispin na pawang naglahong parang bula. Isang matalino at maprinsipyong tao si Kabesang Tales na namundok nang ang kanyang lupa ay kinamkam ng mga dayuhan. Rebelde rin si Elias na nagbuwis ng buhay para makatakas si Ibarra sa mga guwardiya sibil.
Ang "Fili" ay karugtong ng "Noli" kung saan nagbalik si Ibarra sa katauhan ni Simon, ang mag-aalahas na alipin ng paghihiganti. Gusto niyang maitakas si Maria Clara sa kumbento ng mga madre ngunit siyay nabigo at natuklasan na siya pala ang namumuno ng rebelyon. Ilan pang mahahalagang tauhan ng nobela ni Rizal ay sina Juli, ang Alferez; Doña Victorina; ang mabagsik na sakristan; Padre Salve; Dr. Espadana at Paulita Gomez. Ang mga tauhang ito sa kasalukuyang panahon ay nakikita pa rin sa ilan sa atin.
Ang dalawang obra na ito ni Rizal ay nagpapagunita sa kanyang kadakilaan at pagmamahal sa ating bansa.