THINK ABOUT IT. There seems to be an inconsistency sa pagdiriwang natin ng kaarawan ng ating Manunubos na si Jesu-Cristo sa sinusunod nating kalendaryo.
Ang papasok na taong 2002 AD, pati na ang kasalukuyang taon at ang mga nakalipas pa ay kinikilala nating Ano Domini o year of our Lord. Ibig sabihin, kinikilala natin na 2002 taon na ang nakalilipas ay ipinanganak ang ating Mesiyas sa Bethlehem.
Kung ang modernong kalendaryo ay ibinabatay sa kaarawan ni Jesu-Cristo, di ba dapat na ito ay sa unang araw ng taon? Meaning, January 1.
Pero ang December 25 ay nakaugalian na nating gunitain bilang kaarawan ng Panginoon bagaman at sa ibat ibang sekta ng relihiyon, pinagtatalunan pa rin ito.
Kung tutuusin, lumalabas na ipinagdiriwang natin ang Pasko isang linggo bago ang aktuwal na pagsilang ni Jesus if we assume that this is the year of our Lord.
Of course the exact date of the Lords birth is not recorded even in the Bible. Pero tila imposibleng itoy nangyari sa buwan ng Disyembre na nagyeyelo.
Sinasabi sa Banal na Aklat na may mga nagpapastol ng kanilang tupa na nakarinig sa Jerusalem ng mga tinig ng anghel na nagpapahayag sa kapanganakan ng Panginoong Jesus.
Paanong makapagpapastol kung ang kapaligiran ay ubod ng lamig at nagyeyelo?
Ibig sabihin, kahit itakda pa sa Enero 1 ang Pasko, imposible pa rin ito porke ang buwang itoy sakop pa rin ng taglamig o winter.
However, for the sake of consistency, marahil ay mas akmang ipagdiwang ang Pasko ng Enero 1. This, inasmuch as we recognize our modern calendar as "year of our Lord."
Pero ang tradisyong malalim na ang pinag-ugatan ay napakahirap nang baguhin. Ito namang ating tinatalakay ay for scholarly argument lang.
Pero bakit nga kaya hindi itinala sa Biblia ang eksaktong petsa ng kapanganakan ni Jesu-Cristo?
Baka naman talagang ayaw ipagunita ng Diyos ang petsang ito. Kasi, ang sabi sa Biblia, huwag daw nating ituring ang ano mang araw na espesyal kaysa ibang araw.
Siguro ang nais ng Diyos ay manatili sa ating puso ang diwa ng Pascua bawat segundo, bawat minuto, bawat oras, araw-araw at taun-taon. Hindi yung minsan lang isang taon.
Isa pa, hindi ang araw ng pagsilang ang mahalaga. Higit na mahalaga ay yaong isinilang. Ang bugtong na Anak ng Diyos na walang pag-iimbot niyang isinugo sa daigdig upang magsilbing kabayaran ng ating mga kasalanan.
Ang Mesiyas na nag-alay ng buhay nang tayo ay mangaligtas sa gapos ng pagkakasala kung Siya ay ating tatanggapin bilang ating tagapagligtas at Panginoon.
Sa lahat ng ating tagasubaybay, maligayang Pasko at naway ang diwa ng kapanganakan ng Panginoon ay manatili sa ating puso bawat saglit.