Hindi naman tayo malas sa trabaho
December 21, 2001 | 12:00am
HUWAG tayong magpadala sa madidilim na hula. Huwag tayong maniwala sa mga nagsasabing mas maraming magsasarang pabrika sa 2002, kaya mas marami ring male-layoff na empleyado. Pang-sira lang yon ng sigla natin. Walang pinagkaiba sa tao na parating nag-iisip na malas siya tapos lalo tuloy siyang minamalas.
Masdan ang nangyari ngayong 2001, kumpara noong 2000. Sabi ng doomsayers nung 2000, mas tutumal ang ekonomiya nitong 2001, kaya mas maraming mawawalan ng trabaho. Mali sila.
Nung 2000, 30.518 milyon ang manggagawa. Sa kabuuang yon, 3.425 milyon o 11.2 porsiyento ang walang trabaho. Nadagdagan ang labor force nung 2001 ng 2.049 milyong bagong graduate o naging edad-18. Naging 32.567 milyon ang manggagawa. Pero ang walang trabaho, 3.286 milyon o 10.1 porsiyento na lang.
Sa madaling salita, mas marami ang nagka-trabaho miski lumaki ang labor force. Miski 400 empleyado ang na-layoff araw-araw mula sa nagsasarahang pabrika, mas marami ang nakahanap ng pagkikitaan.
Pero siyempre, mahirap mapabilang sa 3.286 na walang trabaho. Sila ang dapat alagaan ng gobyerno. Ilan sa kanila, nagiging desperado at nauuwi sa droga, kundi sa nagnanakaw o kayay nagrerebelde. Marami sa kanila ang nakikitira na lang sa kaibigan o kamag-anak, at nagiging "unpaid domestic workers." Taga-linis ng bahay o bantay sa opisina, kapalit ang pakain at tulugan at paminsan-minsang pasyal sa malls.
Bukod sa kanila, dapat ding asikasuhin ng gobyerno ang 5.188 milyong "underemployed." Sila yung hindi makapagtrabaho nang 40 oras kada linggo. Dalawa sa bawat tatlo sa kanila ay nasa kanayunan. Hinahakot lang sa trabaho kung pinalad, dahil seasonal ang trabaho sa makalumang sakahan.
Pero sa kabuuan, umasa tayong mas gaganda ang ekonomiya sa 2002. Umaandar na muli ang kalakal sa mundo matapos ang Sept. 11 attacks sa Amerika. Pumapasok na uli ang investments sa Pilipinas.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended