Ayon sa American Academy Pediatrics (AAP) nararapat na ang mga bata bago sila maging tinedyer ay dapat magkaroon ng kaalaman tungkol sa sex dahil kapag silay malalaki na, maaaring mahirapang magkaroon ng open communication lines kaugnay ng sensitibong paksang ito.
Ayon sa mga sexologists ng AAP, dapat na magkaroon ng maagang pagtatalakayan hinggil sa sex ang mga magulang para maging bukas ang isipan ng bata at ipaalam sa kanya na bilang mga magulang ay maunawaan para sumangguni sa anumang gusto nilang tuklasin kabilang ang tungkol sa sexual matters.
Sinabi ng mga eksperto na ang magulang, lalo na ang ina, ay hindi dapat mag-overreact kapag makita ang mga anak, lalo na ang mga pre-schoolers na nilalaro ang kanilang sex organs.
Naobserbahan na ang bata na umeedad mula dalawa hanggang limang taon ay nagsisimula nang magkaroon ng interes sa kanilang genitals at may maaga pa ngang mag-masturbate kaya dapat na maging maagap ang mga parents na magpaliwanag sa bata. Iparating sa bata na hindi marumi at nakatatakot ang sex. Dapat na maging mahusay ang mga parents na sexual information resource persons.
Sinabi ng AAP na ang primary school years ang pinakamainam na panahon para sa sex education at dapat na bago sila maging teenagers ay alam na nila ang tawag at gamit ng mga male and female sex organs. Dapat nilang malaman kung ano ang mangyayari sa pagsapit nila sa puberty kabilang na ang pagreregla ng babae, pakikipagsex at pagbubuntis. Napatunayan na ang mga nagkaroon ng sex education mula sa mga magulang ay mababa ang porsiyento na makikipag-sex bago sila mag-asawa kaysa mga natuto mula sa kanilang kaibigan.