Malaking tulong sa ating ekonomiya ang kaganapang ito lalo na kung aabot ang produksiyon sa 25,000 hanggang 30,000 bariles ng langis bawat araw. Sa ngayon, lubos tayong nakadepende sa ibang bansa upang sagutin ang ating pangangailangan sa langis. Ang produksiyon lamang ng langis sa bansa mula sa ilang oil fields ay umaabot lamang sa 417,000 bariles samantalang ang pangkalahatang pangangailangan ng langis ay 340,000 bariles araw-araw. Sa sitwasyong ito, napakalaking halaga ng dolyar ang lumalabas sa bansa upang makaangkat tayo ng langis. Kung kaya gayon na lamang ang epekto ng pagtaas ng langis sa ating mga lokal na industriya.
Sa susunod na buwan ay inaasahang magiging lubos na ang operasyon sa Malampaya at ayon sa mga eksperto magiging 52 percent na ang ating self-reliance sa langis.
Sa kabuuan, maaaring teknikal ang usapin sa produksiyon ng langis at ang proseso nito, ngunit sa huling pagsusuma, malaking tulong ito sa ating ekonomiya. Kung sa bawat litro ng langis ay may ilang sentimo ang mababawas, mas gagaan ang pasanin natin lalo na ngayong pahirap nang pahirap ang buhay dulot ng pandaigdig na krisis sa ekonomiya.