Sinisira ang pangalan ni Manila Vice-Mayor Lacuna
December 5, 2001 | 12:00am
HINDI talaga humihinto itong mga kalalakihan hanggang sa masira nila ang butihing pangalan ni Manila Vice Mayor Lacuna. Nang manahimik kasi itong si SPO1 Rene De Jesus, ang batikang kolektor ng intelihensiya ng Maynila, ang akala ng lahat ay matatapos na itong alingasngas ukol sa pagsabit ng pangalan ni Lacuna nga sa timbrehan sa illegal gambling, pero hindi pa pala.
Para sa kaalaman ni Lacuna, may grupo na namang umiikot sa mga pasugalan at putahan at ginigisa nga ang pangalan niya. Ipinagyayabang pa ng grupo na may green light sila ni Lacuna. Aba mabigat nga. Sino ba naman ang tatangging mag-abot ng intelihensiya sa grupo kung may basbas nga sila ni Lacuna?
Kung hindi niya kayang sawatahin ang grupong ito, baka magising na lang si Lacuna isang umaga na sira na ang pangalan niya sa mga residente ng Maynila.
Ayon sa aking mga espiya, ang pumalit kay De Jesus ay sina SPO2 Zaldy Gascon at ang isang alyas Jonas. Inaalam ko pa kung itong sina Gascon at Jonas ay naka-umbrella lang kay De Jesus. Baka palabas lang na wala na nga si De Jesus pero nakatago lang pala. Kung may sumisira kay Lacuna ganoon na rin kay Mayor Lito Atienza at ito ay sa katauhan ni SPO1 Bernie O ng City Hall detachment.
At hindi lang si Mayor Atienza ang kinokoleka ni O kundi maging ang pitong butas pa ng City Hall detachment. Aba sobra na yata ang buwenas nitong si O, ano mga suki? Kung paano ang hatian ay inaalam pa ng espiya ko sa ngayon. Nananakot pa itong si O na huhulihin niya ang lahat na lagayan ng mga gambling lords o may-ari ng mga putahan kapag hindi sila susunod sa kanyang patakaran. Ang tanong ngayon ng mga ilegalista ay kung kaya ba ni O na sagutin ang huli ng pito pang butas. He-he-he! Ang gulo nyo.
Kawawa naman itong kaibigan kong si Supt. Ernesto Ibay, hepe ng City Hall detachment, dahil baka lalong lumabo ang kanyang paningin dahil kay SPO1 O. O dili kayay nagniningning na sa ngayon ang kanyang apat na mata? He-he-he! Ang pikon talo rito. At hindi rin paiiwan itong si Chief Supt. Nick Pasinos ng Western Police District (WPD) kina Mayor Atienza at Vice Mayor Lacuna.
Namamayagpag din si Jorge Urdaneta at mukhang ayaw pahuli kina Gascon, Jonas at O. Pero sa tingin ko, bilang na rin ang araw nitong tatlo dahil nga sa sobrang higpit sa ngayon ni Dir. Edgar Aglipay, bagong hepe ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) sa Camp Bagong Diwa sa Taguig. Siguro ang dapat gawin ni Aglipay ay ipahuli sa akto itong sina Gascon, Jonas at O para maniwala ang sambayanan sa kanyang mga patutsada na ipagpatuloy niya itong no take policy sa jueteng dito sa Maynila.
Sigurado ako na kapag nadismis na itong sina Gascon, Jonas at O, wala ng mangahas na sundan ang kanilang mga yapak. Makayanan kayang ipatupad na muli ni Aglipay ang inumpisahan ni Sen. Ping Lacson? May karugtong.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended