^

PSN Opinyon

Pagpupuwang ng anak

DOON PO SA NAYON - DOON PO SA NAYON ni Sen. Juan M. Flavier -
NANG hapong iyon ay nagsalita ako sa mga taga-nayon tungkol sa pagpupuwang o paglalagay ng pagitan sa panganganak. Marami ang dumalo subalit napansin kong hindi ganado ang ilan sa mga kababaihan. Gumawa ako ng paraan para magkaroon ng sigla. Tinanong ko si Aling Sepa.

‘‘Ano bang punla ang dapat itanim na malayo sa isa’t isa para tumubo ng malusog?’’ tanong ko.

‘‘Aba, halos lahat ng tanim ay dapat may puwang, Doktor."

Mabilis na nagbigay ang mga kababaihan ng iba’t ibang halimbawa. May nagbigay ng bungangkahoy na kapag lapit-lapit ay payat at hindi mabunga. May nagsabi ng petsay, mais at palay. Mababansot ang mga ito kapag walang puwang.

‘‘Tama," sabi ko. Nagustuhan ko ang napili nilang halimbawa.

‘‘Pero kung sobra ang agwat ay masama rin naman dahil masasayang ang pataba,’’ sabi naman ng isang babae.

‘‘Oo,’’ sang-ayon ko. "Ganyan din sa family planning. Dapat may puwang ang panganganak ngunit pag-sobra ay masama rin.’’

Tumayo si Aling Sepa at nagsalita. ‘‘Para palang pagpapabunga ng pinya, Doktor.’’

‘‘Paano ba ang sa pinya, Aling Sepa? Ako lang yata ang hindi nakaaalam.’’

‘‘Alam n’yo ang pinya ay dapat may tamang puwang para maging malusog. Ito ay nagiging mabunga sa pamamagitan ng paglalagay ng kalburong singlaki ng mais. Inilalagay ito sa ubod at binabasa. Ngunit kapag madalas at sunud-sunod ang paglalagay ng kalburo ay maliit ang bunga. Pero kung tama ang puwang ng pagtatanim at pagpapabunga, malaki at malusog ang pinya."

Ganoon pala, nasabi ko sa sarili. May natutuhan na naman ako kay Aling Sepa.

ALAM

ALING SEPA

ANO

DAPAT

DOKTOR

GANOON

GANYAN

GUMAWA

INILALAGAY

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with