^

PSN Opinyon

Ang suwi ng saging

DOON PO SA NAYON - DOON PO SA NAYON ni Sen. Juan M. Flavier -
Mahirap ipaliwanag ang tungkol sa ‘‘intra-uterine device’’ o IUD. Ito ay paraan ng family planning na naglalagay ng malambot na plastik sa matris.

Iba’t iba ang interpretasyon ng mga taga-nayon sa IUD. Ang iba ay tinatawag itong alambre o wire dahil korteng ‘‘S.’’ May nag-aakalang ang ibig sabihin ng alambre ay ‘‘barbed wire’’ o alambreng may tinik.

Siyempre matatakot ang sinuman na pasukan sa matris ng alambreng may tinik na ginagamit pambakod.

Ipinaliwanag kong mabuti na ang IUD ay plastik na malambot na ipinapasok sa matris. May nagtanong na baka ito raw ay makakakanser.

‘‘Hindi ito nakakakanser. Para lang itong plastik na pustiso sa ngipin. Meron na ba kayong nabalitaan na nagkakanser sa bibig dahil sa plastic na pustiso?’’ tanong ko. Tahimik ang kababaihan. Alam ko marami pa rin ang hindi makaunawa sa paliwanag.

Si Aling Sepa na lagi kong kasama sa pagpapaliwanag sa mga taga-nayon tungkol sa kahalagahan ng family planning ay may naisip na magandang paghahalintulad sa IUD. Ginamit niyang halimbawa ang suwi ng saging.

‘‘Pag nag-umpisang mamunga ang punong saging ay maraming suwi ang lalabas sa paligid. Kapag pinabayaang tumubo ang mga suwi, liliit ang mga bunga ng saging. Kaya kailangang lipulin ang mga suwi. Matrabaho kung huhukayin sa lupa ang mga suwi at kung puputulin naman ay tutubo agad.

‘‘May nadiskubre ang mga magsasaka na paraan para huwag dumami ang mga suwi. Pinuputol ang dulo nito at pinapasakan ng tinulisang sanga ng kahoy. Hindi ba’t kapareho ng IUD ang pamamaraan?’’ tanong ni Aling Sepa.

Hangang-hanga ako kay Aling Sepa sa ibinigay na paliwanag. Nakuha ng mga taga-nayon ang kahalagahan ng pagpaplano ng pamilya.

ALAM

ALING SEPA

GINAMIT

HANGANG

IPINALIWANAG

KAPAG

KAYA

SI ALING SEPA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with