^

PSN Opinyon

Pamilyang sama-sama ay masaya

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
ANG magulang ang dapat na maging modelo ng mga anak para magkaroon ng good eating habits. Para maisakatuparan ito, dapat na ang mga magulang ay makasalo sa pagkain ng mga anak. Sa panahong ito na abala sa paghahanapbuhay hindi lang ang mga ama kundi maging ang mga ina, bihira na kung magkakasalo sa mesa ang mag-anak. Hangga’t maaari dapat na ang mag-anak ay magkakasabay na kumain.

Maraming benepisyo ang pagkaing magkakasalo ang bawat miyembro ng pamilya. Ang mga magulang ay nabibigyan ng pagkakataon na maging role models for good eating habits ng kanilang mga anak. Masusubaybayan din ng mga magulang ang mga anak na kumain ng well-balanced diet. Malalaman din ng mga magulang kung ano ang gustong kainin ng mga anak at kung ano ang ayaw nila. Mabibigyan din ng pagkakataon ang mga parents na ipaalam sa mga anak ang new foods para sa mga anak.

Kapag magkakasalong kumakain ang pamilya ay matutuklasan din ang anumang problema na bumabagabag sa mga anak at sama-sama nila itong lulutasin. Pagkakataon din nila para lubusang makilala ang bawat isa. Kasabihan na ‘‘The family that prays together, stays together’’ kaya akma ring sabihin na ‘‘The family that eats together, grows together.’’

ANAK

HANGGA

KAPAG

KASABIHAN

MABIBIGYAN

MALALAMAN

MARAMING

MASUSUBAYBAYAN

PAGKAKATAON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with