^

PSN Opinyon

Addicts dumarami

SAPOL - Jarius Bondoc -
MAS malala pa pala ang salot na droga kaysa unang naulat ng PNP. Hindi lang pala 1.8 milyon ang addict sa shabu. Ayon kay Chief Supt. Miguel Coronel ng Drug Enforcement and Prevention Center, 2.2 milyon ang addict. Mas marami pang sumisinghot paminsan-minsan.

Karamihan ng addict ay edad 25-34 at mahihirap. Ibig sabihin, hindi pumapasok sa drug rehabilitation centers dahil magastos magpagamot ng addiction. Ibig sabihin, tuloy ang bisyo. Kung tumitira sila ng tig-P100 shabu na lang araw-araw, P80 bilyon ang kinikita sa kanila ng 500,000 pusher. Siyempre, kalahati lang ang kita ng tulak. Kalahati ang napupunta sa bossing ng sindikato.

Dahil daw sa exposés ni ISAFP chief Col. Vic Corpus, naging alert ang PNP sa pagbabantay ng drug smugglers. Kaya raw nasabat ang pagpuslit ng 503 kilo ng shabu sa Quezon na sakay sa kotse ni Mayor Ronnie Mitra. Kaya rin daw nagbago ng modus operandi ang mga sindikato. Sa Pilipinas na raw niluluto ang shabu. Ibig sabihin nito, hindi na transshipment point ang Pilipinas. Ano mang malutong shabu dito, dito na rin ibinebenta at hindi na dinadala ang iba sa Malaysia o Hawaii.

Ibig din sabihin nito, may ibang paraan na ng pagluto ng shabu. Dati, ginagamitan ng ephedrine para maging pulbos ang batong methamphetamine hydrochloride. Mabaho ang proseso. Masakit sa ilong ang amoy-asidong usok ng pagluluto. Kaya sa gitna ng piggery o poultry dati itinatago ang pabrika, tulad ng nadale sa Lubao, Pampanga nu’ng 1997. Pero may ibang liquid chemicals na ngayong pinampupulbos. Kaya ang mga pabrika ay nasa pusod na ng siyudad, tulad ng mga ni-raid kamakailan sa San Pablo, Lipa at Pasig.

Matagal nang sinasabing lumalala na ang problema sa droga. Matagal na inaangal na hindi na sapat ang mga dating batas sa pagpawi sa shabu. Ang pushers, kung magbenta ngayon ay pa-piso-piso na lang: ika-sampu ng isang guhit sa halagang P100 bawat cellophane sachet. Pero ayon sa batas, kailangan 240 kilo ang mahuli bago ituring na pusher na di-puwedeng magpiyansa. Kaya pala dumarami ang addicts.

CHIEF SUPT

DRUG ENFORCEMENT AND PREVENTION CENTER

IBIG

KAYA

MATAGAL

MAYOR RONNIE MITRA

MIGUEL CORONEL

PERO

SA PILIPINAS

SAN PABLO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with