^

PSN Opinyon

Pinatay ang kapitbahay

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison -
Ang mag-asawang Magno at Chona ay may sari-sari store sa bahay nila. Isang gabi, bigla na lang binato ng kapitbahay nilang si Nardo ang kanilang tindahan. Nakuha pang puntahan ni Nardo ang mag-asawa sa pagkukunwaring bibili ng sigarilyo. Dito nagkaroon ng mainit na pagtatalo sina Nardo at Magno hanggang sila’y pinaghiwalay ng mga tanod.

Ilang sandali ay nagbalik muli si Nardo. Nakita ni Chona si Magno na noo’y patungo sa kanilang balkon. Walang anu-ano’y nilapitan ni Nardo si Magno at sinaksak sa tiyan. Mga isang metro lang ang layo ni Chona at siya’y nasa likod ng asawa samantalang kaharap si Nardo.

Dinala sa ospital si Magno ngunit namatay din.

Nasakdal si Nardo sa salang pagpatay kay Magno. Si Chona ang tumayong testigo. Kaya napatunayan ng Mababang Hukuman na may kasalanan si Nardo. Sa pagpataw ng sentensiya mas mataas ang parusang iginawad kay Nardo dahil sa sirkumstansyang ginawa ang krimen sa bahay ng biktima. Tama ba ang pagpataw ng mas mataas na parusa?

Tama.
Pag sa bahay ng biktima ginawa ang krimen at walang pag-udyok mula sa biktima, mas mataas ang parusa sa kriminal. Kasama sa katagang ‘‘bahay" o ‘‘dwelling’’ ang hagdan at iba pang mga nakakabit sa tahanan pati na ang patio o balkon. Kaya ang pagpatay kay Magno sa patio o balkon ng kanyang bahay ay pagpatay na rin sa bahay mismo. At ito’y ginawa ni Nardo ng walang pag-uudyok mula kay Magno. Ang away nila bago mangyari ang pagpatay ay hindi naman nagsimula kay Magno. Si Nardo rin ang nagsimula nito noong batuhin niya ang bahay nina Magno. Kaya pinakamataas na parusa ang dapat kay Nardo. Mula 12 hanggang 20 taong pagkakabilanggo maliban sa pagbabayad ng P20,000 pinsala ang kaparusahan niya. (People of the Philippines vs. Rios G.R. No. 132632 June 19, 2000).

BAHAY

CHONA

KAYA

MABABANG HUKUMAN

MAGNO

NARDO

PEOPLE OF THE PHILIPPINES

RIOS G

SI CHONA

SI NARDO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with