Ang ninong
November 8, 2001 | 12:00am
Ang bunsong anak ni Pareng Tonying ay inaanak ko sa binyag. Marami akong kumpare sa nayon ngunit si Pareng Tonying ang pinakamalapit sa akin.
Sa isang hindi inaasahang pangyayari kaya kami naging mag-kumpare. Ang bunso niyang anak ay nagkombulsyon kaya ako pinatawag. Nang gumaling ang bata ay pinabinyagan at ako ang naging ninong.
Aliw na aliw ako kapag dumadalaw sa bahay ni Pareng Tonying. Pagdating ko, inuutusan ang aking inaanak na magmano sa akin. Bago ako umalis ay ang inaanak ko ang nag-aabot ng supot na may lamang itlog.
"Nag-abala ka pa, Pare," sabi ko sabay tanggap sa supot.
Maraming maaaring ipagmalaki si Pareng Tonying. Siya ang unang nagpalit ng bahay-kubo at ginawang hollow block.
Siya rin ang may-ari ng unang pampasaherong jeepney mula sa bayan hanggang sa barrio.
Paminsan-minsan, lalo kung araw ng tiyangge ay si Pareng Tonying ang nagmamaneho. Kapag sumakay ako, hindi ako pinagbabayad. "Jeepney nating dalawa ito," sabi sa akin. Tinutulungan ko kasi si Pareng Tonying sa pagkokolekta ng bayad ng pasahero. Kaya pag kami ni Pareng Tonying ay dadalawa na sa jeepney, ang tawag niya sa akin ay konduktor, hindi doktor.
Gulat na gulat ako sa jeepney ni Pareng Tonying dahil sa dami ng naisasakay. "Ilan ba ang kayang sakay ng jeepney natin?" tanong ko.
"Labinsiyam kung walang trailer. Pag may trailer ay trentay sais."
"Baka mabali ang muelle?"
"Hindi. Doble ang muelle nito."
"Pero napansin ko na kahit sino ay hinihintuan mo. Kahit na punumpuno na. Baka masira ang jeepney natin."
"Kasi nasasaktan ang mga taga-nayon kung hindi ko hihintuan. Hayaan natin sila ang umurong pag nakita na talagang wala nang lugar sa loob at ibabaw ng jeepney."

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest