^

PSN Opinyon

Kuwentong multo

SAPOL - Jarius Bondoc -
Kung binabasa mo ’to sa sementeryo, siguraduhin mong may katabi kang tao. Buhay ha, hindi patay. May ikukuwento kasi akong nakakatak…

Hindi ito tungkol doon sa kababata ng Nanay ko, ’yung dalagitang basta na lang hindi gumising isang araw, kaya’t nagluksa agad ang mga magulang at ipinalibing kinabukasan. Ayoko nang maalala ang malagim na kinahinatnan – nang binagabag sa panaginip ang ina ng babae, kaya kumunsulta ito sa espiritista na nagpayong ipahukay muli ang kabaong. Ayoko nang marinig miski sa isip lang ang hiyaw ng ina nang makitang dilat pero patay ang bata, upod at duguan ang mga kuko, at talop ang tuhod. Ayoko nang isiping buhay palang nailibing ang bata, na nagising sa loob ng madilim na kahon, at nagpumiglas hanggang…

Ibang kuwento ito. Tungkol sa Multo ng Balete Drive. Pauwi na ang isang kutsero isang gabing bilog ang buwan. Tahimik ang paligid. Yabag lang ng kanyang kabayo ang maririnig: Klop-klop-klop. At malayong atungal ng aso: Awoo-wo-woo. Napansin ng kutsero na may pumapara sa kanyang matandang babaeng nakaitim. Hinintuan niya’t tinanong kung bakit nasa Balete Drive pa sa ganoong oras ng gabi. HIndi sumagot ang matanda. Inabot lang ang malamig na kamay para magpatulong umakyat sa kalesa. Naupo sa likod ng kutsero. ‘‘Hiyaa,’’ nginig na senyas ng kutsero sa kabayo, sabay lingon sa matanda para tanungin uli kung saan patungo. Nakita niyang naaagnas ang mukha ng matanda.

Napalundag sa takot ang kutsero. Tumakbong matulin pauwi sa kubo. Tumalon sa papag at nagtalukbong ng makapal na kumot.

Tapos, may narinig siyang kaluskos sa pinto: Tik-tik-tik. Nanginig ang kutsero. Lumakas ang katok sa pinto. Tok-tok-tok. Ayaw niyang buksan. Lumakas pa lalo ang kalabog: Bog-bog-bog. Dahan-dahan siyang bumangon. Nakabalot pa rin ng kumot, at maingat na lumapit sa pinto. May napansin siyang kakaibang amoy. Nangilabot siya lalo.

Kinalas ng kutsero ang tarangka ng pinto at binuksan. Laking gulat niya! Nandoon ang kabayo, nagkakamot ng ulo: ‘‘Boss, bakit mo naman ako iniwan doon sa matandang babae. Takot ako, e.’’

AWOO

AYAW

AYOKO

BUHAY

DAHAN

HININTUAN

HIYAA

IBANG

KUTSERO

LUMAKAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with