Sa mga taong may kapansanan sa pandinig, may mga makabagong paraan na ngayon para ito mapanumbalik. Sa aming pagdalaw sa Hi-Tech Hearing Center sa Medical Plaza Makati na pag-aari ni Dr. Eduardo D. Go, hindi ko maiwasang humanga sa mga modernong kagamitan na taglay ng nasabing klinika para sa mga pasyenteng may hearing impairment.
Ipinaliwanag ni Dr. Go ang pamamaraan sa paggamot ng hearing loss. Kinakailangan ang proper scientific tests gamit ang hi-tech equipment. Susuriing mabuti ang pasyente at bibigyan ng wastong hearing aid instrument na tutugon sa kanyang suliranin. Sinabi ni Dr. Go na ang pagkabit ng nasabing instrumento sa taynga ay kagaya rin ng pagsukat ng salamin na may tamang grado. Ibat ibang laki, hugis at kulay ng mga hearing aid instrument ang ipinakita ni Dr. Go. May kasinlaki lamang ng monggo na halos ay hindi na makita kapag suot na.
Ipinayo ni Dr. Go na para maiwasan ang hearing loss dapat na kumain ng wastong pagkain, iwasan ang sobrang ingay o loud noise exposure, huwag magsi-self medicate at dapat na sumangguni sa isang espesyalista.