^

PSN Opinyon

Si Sta. Josephine Bhakita (Huling bahagi)

ALAY-DANGAL - Jose C. Blanco S.J. -
Nabanggit ko sa nakaraang kolum na si Sta. Josephine Bhakita ay isang African na nakanonisahan bilang isang pandaigdigang santa ni Pope John Paul II noong October 1, 2000. Sa kanyang kabataan, siya ay naging alipin na ipinagbili at nagkaroon ng maraming amo. Siya ay naging madre at naging malapit sa iba’t ibang uri ng tao. Higit sa lahat, dahil sa kanyang mga dinanas bilang alipin, nagkaroon siya ng damdamin para sa mga mahihirap.

Kayo ay tiyak na maaantig sa kanyang mga salita:

‘‘Noong ako’y isang alipin pa, ako’y nagdusa nang matindi, subalit gayunman, hindi ko pa nakilala ang ating Panginoon. Maraming panahon at merito ang nawala sa akin. Dapat ko ngayong pag-igihin na matakpan ang kawalang iyon.’’


Sa kanyang pakikipag-usap sa mga Italian, sinabi niya: ‘‘Masuwerte kayo ipinanganak sa isang Katolikong bansa: Sa ganang akin, natagpuan ko ito nang huli na. Magpasalamat sa Panginoon at sa Mahal na Birhen.

‘‘Nawa’y para sa kaluwalhatian ng Diyos, at sa ikadadakila ng kanyang walang-hanggang kapangyarihan na ako ay nadala sa kaligtasan.

‘‘Kung ako ma’y mananatiling nakaluhod sa buong buhay ko, yaon ay hindi magiging sapat upang maipahayag ko ang aking pasasalamat sa Butihing Diyos.’’

Nang kanyang pagnilayan ang pagkaalipin, nasabi niya, ‘‘Bilang isang alipin, kailanma’y hindi ako naging desperado, nakaramdam ako ng isang misteryosong lakas sa aking kalooban na nagtaguyod sa akin.’’

At narito ang kanyang magandang pangako: ‘‘Kung pahihintulutan ako ng Panginoon, magsusugo ako mula sa langit ng napakaraming biyaya para sa kaligtasan ng mga kaluluwa.’’

Si Sta. Josephine Bahkita ay nasa langit na ngayon. Kung anuman ang inyong kinakailangan ngayon – maging ito man ay pisikal, espiritwal o sikolohikal na tulong o grasya, hingin ninyo sa kanya. Ipamamanhik niya ito para sa inyo.

vuukle comment

AKO

BILANG

BIRHEN

BUTIHING DIYOS

JOSEPHINE BAHKITA

JOSEPHINE BHAKITA

KANYANG

PANGINOON

POPE JOHN PAUL

SI STA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with