EDITORYAL - Hampas sa kabayo sa kalabaw ang latay
October 8, 2001 | 12:00am
May katotohanan man o wala ang mga paratang ni Sen. Panfilo Lacson kay First Gentleman Mike Arroyo, matindi ang hampas nito. At hindi ang First Gentleman ang grabeng nasasaktan sa hampas kundi si President Gloria Macapagal-Arroyo. Si GMA ang nagdadala ng sakit at hindi dapat ipagwalangbahala. Kung hindi mabubura sa isipan ang mga bagong "anomalyang" pinasingaw ni Lacson, kawawa naman si GMA. Mabuti nga at maliksi si GMA at agad sinabihan ang Ombudsman na imbestigahan ang kanyang asawa sa bagong akusasyon. Ang ganitong aksiyon ay isang paraan para maalis ang uling. Kung hindi hahayaang gumiling ang batas, kakalat ang uling at maski si GMA ay kakapitan nito.
Pinili ni GMA ang Ombudsman na mag-imbestiga sa kanyang asawa kaysa ang Senado sapagkat natatakot siyang mahantong lamang sa "witchhunt" ang imbestigasyon. Mahirap aniya na ang nag-aakusa ang siya ring magiging judge. Natatakot aniya siya sa maaaring mangyari lalo nat ang hahawak ng isa sa komiteng mag-iimbestiga ay si Sen. Edgardo Angara. Kung mapatunayan naman aniya na inosente ang kanyang asawa, hayaan siyang mabuhay na may kapayapaan. Hindi rin umano siya nag-eexpect na humingi ng tawad ang mga nag-aakusa sa kanyang asawa sa sandaling mapawalang sala.
Marami ang nagsasabing buwelta ni Lacson kay GMA ang pinasabog na anomalya sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO). Ibinulgar ni Lacson sa kanyang privilege speech ang "Department of Underground" ng First Gentleman na gumamit ng P250 milyong pondo ng PCSO para gamitin sa kandidatura ng apat na kumandidatong senador.
Ang nagbunyag ng anomalya ay si Robert Rivero, dating media consultant ng PCSO. Si Rivero ay dating Editor-in-Chief ng Luzon Pen, isang weekly newspaper na pina-published ni Florencio Pareña at pag-aari naman ni Alfredo Tiongco, mga suspected drug lords. Ang asawa ni Rivero ay media relations officer naman umano ni Lacson.
Nararapat nang masimulan ang imbestigasyon sa First Gentleman upang lumabas na ang katotohanan. Inaabangan ng taumbayan ang kahihinatnan ng pinasabog na anomalya. At habang hindi nalilinis ang pangalan, tiyak namang kay GMA lalatay ang sakit at hindi hihiwalayan ng mga matang mapanuri.
Sagutin ang lahat ng mga paratang upang matapos na at matahimik na si Lacson. Mula nang maupo si Lacson at ang mga kasamahan niya sa Senado ay wala pa silang nagagawa para sa kabutihan ng mga naghalal sa kanila. Hindi ang batikusan nang batikusan ang hangad ng taumbayan kundi ang mahango sila sa kahirapan ng buhay.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended