^

PSN Opinyon

Wastong nutrisyon

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
Mahalaga ang wastong nutrisyon para maiwasan ang pagkakaroon ng sakit sa puso, kanser, diabetes at iba pa.

Napatunayan na ang foods high in fiber ay makatutulong sa mga may diabetes para magkaroon ng tamang timbang at makontrol ang blood sugar. Isa sa pangunahing nagtataglay ng high fiber ay ang okra. Sinabi ni Karen Charlmers, director of nutrition services sa Joslin Diabetes sa Boston, importante na ang mga diabetes ay laging imonitor ang pagtaas at pagbaba ng kanilang blood sugar at malaking bagay ang wastong nutrisyon dito. Sinabi naman ni Dr. Ronald M. Krauss, senior scientist sa Lawrence Berkeley Laboratory ng University of California, ang pagkain ng high-fiber foods ay sa mga diabetic patients dahil mababa ang calories nito. Binigyan-diin ni Dr. Krauss na dapat kumain ng soy protein ang may Type 2 diabetes dahil ito ay nakatutulong para maiwasan ang kumplikasyon sa kidney at mata.

Tungkol naman sa pinahihirapan ng migrains, sinabi ni Dr. Seymour Diamond, na huwag masyadong kumain ng keso at iba pang pagkaing may animo acid tyramine. Huwag ding uminom ng red wine at kape.

Napatunayan na ang pagkain ng prutas at gulay ay malaking tulong sa mga may sakit sa puso. Sinabi ni Dr. Alberto Ascherio, associate professor of nutrition and epidemiology sa Harvard, na importante ang prutas at gulay para maiwasan ang stroke.

DR. ALBERTO ASCHERIO

DR. KRAUSS

DR. RONALD M

DR. SEYMOUR DIAMOND

JOSLIN DIABETES

KAREN CHARLMERS

LAWRENCE BERKELEY LABORATORY

NAPATUNAYAN

SINABI

UNIVERSITY OF CALIFORNIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with