Ang mode ng pagbibigay sa mga ito ay ang pagpapaupa sa mga nais mang-upa sa unang tatlong taon at ang pagbibigay ng karapatan sa mga ito na bilhin ang isang unit sa ikaapat na taon na pamamalagi sa unit.
Sa kasalukuyan mayroong walong proyektong tinatapos sa pamamagitan ng medium-rise housing program. Ito ay ang mga sumusunod: 1.) Mandaluyong Site 2 MRH Project, Aglipay St., Mandaluyong City, Metro Manila; 2.) Teachers Bliss Condominium MRH Project; TBC, Quezon City; 3.) )Alay Pabahay 1 MRH Project, Gov. Pascual St. Malabon City, Metro Manila; 4.) Tala MRH Project, Tala Estate, Caloocan City, Metro Manila; 5.) Karangalan Site IB MRH Project, Magsaysay Rd., Karangalan Village, Phase 2C, Pasig City; 6.) Karangalan Site 1A MRH Project, Magsaysay Rd., Karangalan Village, Phase 2C, Pasig City; 7.) PRTC Phase 1 MRH Project, Kalayaan Avenue, Pasay City, Metro Manila; 8.) Muntinlupa Phase 1 MRH Project, Bgy. Putatan, Muntinlupa City, Metro Manila.