^

PSN Opinyon

Mga dapat malaman sa family planning (Una sa serye

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
Hanggang ngayon, kontrobersya pa rin ang issue tungkol sa family planning. Dahil ang Pilipinas ay isang bansang Katoliko, ilan pa ring sektor ang tutol sa paggamit ng iba pang paraan para sa pagpaplano ng pamilya. Ipinipilit nila na tanging natural birth control lang ang dapat gamitin. Para kay Dr. Concordia Martin Pascual, obstetrician-gynecologist, ang anumang paraan sa family planning ay nakasalalay sa mag-asawa. Sinabi ni Dr. Pascual na ang family planning ay dapat epektibong maipatupad. Ang spacing ay mahalaga at ito’y dapat umanong pag-usapang mabuti ng mag-asawa. Sinabi pa niya na sa hirap ng panahon ngayon, hindi dapat na mag-anak nang mag-anak.

Naobserbahan umano niya na sa mga squatters areas ay sobrang dami ng mga bata. Dahil karamihan ay walang trabaho kaya ang libangan ay ang pagsisiping na nagreresulta ng taun-taong panganganak. Hindi nila iniisip kung papaano pakakainin at pag-aaralin ang mga anak.

Ipinaliwanag ni Dr. Pascual ang tungkol sa natural birth control. Dapat magsiping ang mag-asawa sa panahon ng dalawang linggo bago magregla at dalawang linggo matapos magregla. Mahirap ito sa mga babaeng irregular ang menstruation.

Bukod sa natural method may iba pang paraang ibinigay si Dr. Pascual. Ito ay ang paggamit ng contraceptives pills. Nagbabala siya na dapat sumangguni muna sa Obstetrician-Gynecologist si misis bago gumamit ng pills. Dapat sumailalim sa complete gynecological physical examination si misis bago gumamit ng pills. Ang pills ay hindi dapat na gamitin ng may history ng breast cancer, blood clots, melonoma, sakit sa atay, bato, may alta-presyon at diabetes.

BUKOD

DAHIL

DAPAT

DR. CONCORDIA MARTIN PASCUAL

DR. PASCUAL

HANGGANG

IPINALIWANAG

IPINIPILIT

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with