^

PSN Opinyon

Matagumpay ang 'milestones' ng FDAP

- Cielito Mahal Del Mundo -
Isang natatanging panoorin ang ginanap kamakailan sa Hotel de Intramuros, Plaza San Luis Complex, Gen. Luna St., Intramuros, Manila kaugnay sa paggunita ng ika-20 anibersaryo ng Fashion Designers Association of the Philippines (FDAP).

Ayon sa bantog na fashion designer na si Marisoc Nueno ng Maria Manila, ang pagtatanghal ng mga malikhaing kasuotan ay tinagurian nilang ‘‘Milestones: Weddings, Debut and Legendary Parties.’’ Sinabi ni Marisoc na ang mga kasuotan na konsepto at pinagpaguran ng mga Pilipinong fashion designers ay pinuri ng mga nakasaksi sa tatlong araw na pagtatanghal. Ayon kay Dr. Ignacio Pablo, dekano ng Hotel de Intramuros ang pagtatanghal ay makasaysayan.

Itinaon na rin ang panunumpa sa tungkulin ng mga bagong halal na opisyal ng FDAP sa pamumuno ni Lito Perez. Sinabi ni Perez na ang ‘‘Milestones" ay nagpanumbalik ng lumipas at binigyan ng kaanyuan ang matulaing Old Manila at Hotel de Intramuros.

Ang fashion shows na nagtampok sa mga bridal gowns at mga latest creations ay angkop sa makasaysayang Intramuros. Bukod kina Marisoc at Perez, hinangaan at pinalakpakan din ang mga creations nina Jonti Martinez, Gino Fernando, Rheez Chua, Ariel Agasang, Ramon Esteban, Edgar Madamba at Edgar San Diego.

ARIEL AGASANG

AYON

DEBUT AND LEGENDARY PARTIES

DR. IGNACIO PABLO

EDGAR MADAMBA

EDGAR SAN DIEGO

FASHION DESIGNERS ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

GINO FERNANDO

INTRAMUROS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with