Una kong nabalitaan si Ka Berong dahil sa aming researcher. Pinag-aaralan ng researcher ang sistema ng panggagamot ni Ka Berong.
Maaari ba nating anyayahan si Ka Berong? Alam kong mainit ang dugo ng mga doktor at albularyo sa isat isa.
Susubukan ko, Doktor, sabi ng aming researcher.
Sabado ang usapan at ang oras ay alas-10 ng umaga. Pero dumating si Ka Berong ng alas-8.
Pagkatapos ng batian ay umupo kami sa dalawang silyang magkaharap.
"Hindi ka ba nangangamba sa pag-uusap nating ito?" tanong ko kay ka Berong.
"Hindi, Doktor. Kung mayroon akong pangamba hindi sana ako dumating, sagot ni Ka Berong.
Sa akin, marami akong hindi nauunawaan pero naniniwala akong mayroon akong matututunan.
Totoo iyon. Kaya lang, Doktor paghindi ko kaya ang isang sakit ay agad kong pinadadala sa inyong mga doktor. Pero pag hindi ninyo kaya, ni minsan hindi ninyo pinadadala sa amin, sabi ni Ka Berong.
Wala akong maipaliwanag kaya hindi ko siya tinangkang sagutin.