May milagro pala sa Philippine Overseas Employment Administration porke nagsususuhan daw, este mali humihingi ng suhol ang isang kamoteng opisyal dito sa mga empleyadong gustong ma-promote sa kanilang mga trabaho?
Five thousand pesos ang asking lagay ng isang Roy Susohero, P3,000 para sa examination tips at P2,000 para sa favorable evaluation.
Sa malalim na bulsa nito lahat pumapasok ang pitsa pero teka kahati pala ang kanyang betka na isang Mrs.
Tinitira ni Roy Susohero ang betka niya este sa Human Resources Development Division ang mga katanungan para sa isang empleyadong naglalagay dito para ma-promote?
May immoral kaya sa POEA?
Alam kaya ni Ms. Marissa Santos ang dukutang nangyayari sa kanyang division? Palagay ko hindi porke hindi ito papayag!
Ms. Santos, pakiburiki nga please.
Ngumangawa sa atin ang mga nadehadong empleyado ng POEA tungkol sa kanilang promosyon kasi nga naman may palakasan daw?
Maraming nasagasaan itong si Roy Susohero kasi mabilis ang kanyang pag-angat na dati daw clerk ito bale grade 7 sa plantilla ngayon ay grade 15 sa kasususo, este mali dahil sa mala-pader ang backer na betka nito?
Nalungkot at nagtaasan ng kilay ang ilang POEA employees na hindi raw nabigyan ng pagkakataon na maiangat ang kanilang sarili sa silya, este mali sa tungkulin pala porke maraming inapakan si Roy Susohero.
"Sa gobyerno, hindi raw asking kung Who You Are, kundi ang asking ay Whom You Know para mabilis asenso?" sabi ng kuwagong Kotong Cop.
"Tumpak ka dyan!" sagot ng kuwagong janitor.
"Ano ang maitutulong natin sa POEA Employees?"
"Paratingin natin ang news kay Ms. Marissa Santos porke hindi ito papayag na madadawit ang kanyang tanggapan?"
"Paano mo siya makakausap?"
"Siyempre, hingi tayo ng appointment."
"Paano ang kaso ni Roy Susohero?"
"Inguso natin kay Ms. Marissa Santos ang problemang lihim."
"Anong lihim?"
"Sa susunod na lang na isyu."
"Bakit?"
"Kaya nga secret, ungas ka pala!"