Ang pabayang mangmang
August 14, 2001 | 12:00am
Grade 2 lang ang natapos ni Mang Temyong pero may-ari siya ng limang parcela ng lupa. Isinangla niya ito sa PNB bilang garantiya sa utang na P1,500. Pagkaraan ay isinangla niya uli ito sa DBP bilang garantiya sa utang na P4,200. Ang kontrata ng sangla ay pinirmahan din ng kanyang asawang si Aling Seny at itoy kapwa nakasulat sa Ingles.
Dalawang araw makaraan niyang maisangla ang mga lupa sa DBP, pumirma siya at si Aling Seny sa isang notaryadong kasulatan ng bilihan kung saan pinagbili nila ang mga lupa kina Ben at Lina na siyang manunungkulang magbayad ng utang sa DBP. Sa kasulatang ito na nakasulat din sa Ingles, binayaran nina Ben at Lina sina Mang Temyong ng P4,800 at ginampanan ang pagbabayad ng kanilang utang sa DBP. Kaya napunta na sa posisyon nina Ben at Lina ang lupa. At nang namatay sila, ang kanilang mga anak na pinangungunahan ni Pablo ang pumusisyon dito.
Sampung taon pagkaraan nang nasabing kasulatan ng bilihan, nadiskubre ni Pablo na kahit ipinagbili na nina Mang Temyong ang lupa sa DBP at nakautang pa muli ang mga ito ng P4,900. Kaya idinemanda nina Pablo si Mang Temyong ng estafa.
Para makalusot sa kriminal ng pananagutan, nagsampa naman sina Mang Temyong ng kaso sa husgado upang pawalang bisa ang nasabing kasulatan ng bilihang pinirmahan nila pabor sa mga namatay na magulang nina Pablo. Ayon kina Mang Temyong, hindi raw nila alam na ang kasulatan pala ay bilihan ng lupa dahil hindi sila marunong bumasa at sumulat. Akala raw nila itoy hiraman lang ng lupa. Kaya hiniling nilang ibalik sa kanila ang lupa Mababawi pa kaya nina Mang Temyong ang lupa?
Hindi na. Ang kasunduan nina Mang Temyong at Ben at Lina ay nakasulat sa isang dokumentong notaryado. Ipinapalagay ng batas na itoy ginawa ng regular. At ang pagpapalagay na itoy mabubuwag lamang ng malinaw at kapanipaniwalang ebidensiya. Ang walang kalaman-laman at walang patibay na pagtanggi nina Mang Temyong sa kasulatang itoy hindi sapat upang mabuwag ang pagpapalagay ng batas na ang dokumentong pinirmahan nilay may bisa at tama.
Bukod dito, hindi naman talaga masasabing mangmang at walang pinag-aralan si Mang Temyong. Nakapag-aral din siya hanggang grade 2. Itoy sapat na para maintindihan niya ang ibig sabihin ng Ingles ng katagang sale. At kahit sabihin pang silay mangmang talaga, pinagpapalagay pa ring alam nila ang nilalaman ng kasulatan sapagkat inaakala ng batas na humingi sila ng payo sa ibang tao na ipaliwanag sa kanila ito. Kung hindi nila ito ginawa sila rin ang may sala sa pagiging pabaya. (Bernardo vs. Court of Appeals et. al. G.R. No. 107791 May 12, 2000).

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest