Binayaan ko siyang magkuwento at nabatid ko na sobra ang kanyang stress. Umiyak pa siya. Nakaramdam ako ng pagkaawa sa kanya. Nang matapos siyang magkuwento ay ako naman ang nagsalita at binigyan siya ng lakas ng loob at tiwala sa sarili.
Ibinahagi ko sa kanya ang aking nabasa tungkol sa pagbaka sa stress batay sa study ng mga doktor sa Sydney, Australia. Ayon sa aking nabasa, kailangang huwag masyadong mamroblema. Dapat na magkaroon ng maliwanag na pananaw. Dapat na tawanan ang problema. Kailangan ng kalusugan ang pagngiti, pagtawa at halakhak. Sa pamamagitan nito ay nababawasan ang tensiyon at napapahinga ang utak sa labis na pag-iisip at nabibigyan ng positibong enerhiya.
Sa kabila nito ay nagbabala ako sa aking kaibigan na siguraduhin lamang niya na sa kanyang pagngiti at pagtawa ay hindi siya nag-iisa dahil baka kung may ibang makakita sa kanya ay iisiping siyay napapraning o naloloka. Sabi ko pa sa kanya, when you cry, you cry alone but when you smile, the whole world smile with you.
Totoo ang kasabihan na "laughter is the best medicine."