^

PSN Opinyon

Carmen "Ching" Suva

WHAT'S UP DOC? - Dr. Tranquilino Elicaño Jr. -
Ang bunga ng pagsisikap, kasipagan at pagka-matapat sa trabaho ay inaani na ngayon ni Mrs. Carmen "Ching" Suva. Bihirang tao ang nagkakaroon ng kapalarang tulad niya. At siya ang tatalakayin ko ngayon. Sa isang linggo ko na lang tatalakayin ang sakit na karaniwang tumatama sa mga Pilipino na dapat sana’y naka-schedule ngayon. Ibig kong mabigyang-daan si Ching.

Isang napakagandang halimbawa ang pagkaka-appoint kay Ching bilang bagong Press Undersecretary for Media Relations ni President Gloria Macapagal-Arroyo. Bihira ang hindi nakakakilala kay Ching. Palibhasa’y mabait, bukambibig ang kanyang pangalan lalo na sa sirkulo ng media. Matagal na panahon na ang ipinaglingkod niya sa pamahalaan. Tatlumpu’t siyam na taon na siya sa serbisyo na nagpatibay sa kanyang sarili.

Nagsimula siyang manungkulan noong panahon pa ni President Diosdado Macapagal, ama ni GMA. Marami na siyang Press Secretaries na pinaglingkuran hanggang sa unti-unting umangat ang kanyang puwesto. Una’y naging secretary siya ng mga Press Secretaries na si Leo Parungao, Virgilio Reyes at Raul Gonzales mula 1962 hanggang 1966. At mga sumunod pa ay mga sikat na Secretaries na kinabibilangan nina Jose Aspiras, Francisco Tatad, Gregorio Cendaña, Jesus Sison, Hector Villanueva, Rodolfo Reyes, Ricardo Puno at ang ngayo’y kasalukuyang Secretary Noel Cabrera.

Sa haba ng panahon ng kanyang paglilingkod sa pamahalaan, marami na siyang natanggap na awards at citations. Patunay lamang ito ng kanyang mahusay at matapat na paglilingkod. Kabilang sa mga natanggap niyang award ang pagiging "Outstanding Woman Employee" ng Office of the Secretary. Siya ay huwarang empleado, mabait, maunawain at parehas sa lahat ng mga bagay.

Binabati ko si Ching sa bago niyang posisyon at hinahangad ko ang marami pa niyang tagumpay sa mga hinaharap.
* * *
Maligayang pagdating naman sa mga balikbayan na sina Edward de la Cruz, DJ Melgar at Robert Nite mula sa Los Angeles, California. Sana ay mag-enjoy kayo sa pagbabakasyon sa Pilipinas.

FRANCISCO TATAD

GREGORIO CENDA

HECTOR VILLANUEVA

JESUS SISON

JOSE ASPIRAS

LEO PARUNGAO

LOS ANGELES

PRESS SECRETARIES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with